Lalawigan ng Tunceli
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Lalawigan ng Tunceli (Kurdong Kurmanji: parêzgeha Dêrsimê, Turko: Tunceli ili[3]), dating Lalawigan ng Dersim, ay isang lalawigan sa Turkiya na matatagpuan sa Silangang Rehiyong ng Anatolia. Karamihang binubuo ang populasyon ng mga Kurdong Alevi (Kurmanj at Zaza na nagsasalitang mga Kurdo). Orihinal na pinangalan ang lalawigan bilang Lalawigan ng Dersim (Dersim vilayeti), pagkatapos naging isang distrito (Dersim kazası) at napasama sa Lalawigan ng Elâzığ noong 1926.[4] Sa huli, napalitan ito sa Lalawigan ng Tunceli noong Enero 4, 1936[5] sa pamamagitan ng "Batas sa Pamamahala ng Lalawigan ng Tunceli" (Tunceli Vilayetinin İdaresi Hakkında Kanun), blg. 2884 ng 25 Disyembre 1935,[6][7][8] ngunit may ilan na tinatawag pa rin ang rehiyon sa orihinal nitong pangalan. Opisyal na napalitan ang pangalan ng panlalawigang kabisera, ang Kalan, sa Tunceli para pumarehas sa pangalan ng lalawigan.
Kabilang sa mga katabing lalawigan ang Erzincan sa hilaga at kanluran, Elazığ sa timog, at Bingöl sa silangan. May sukat ang lalawigan ng 7,774 km2 (3,002 sq mi) at may populasyon na of 76,699 (taya ng 2010). Ito ang may pinakamababang densidad ng populasyon ng kahit anong lalawigan sa Turkiya, mayroon lamang itong 9.8 naninirahan/km2. Ang mayorya ng populasyon ay ang mga Kurdo.[9] Ang Tunceli lamang ang lalawigan sa Turkiya na may mayorya ng mga Alevi.
Remove ads
Mga distrito
Nahahati ang Lalawigan ng Tunceli sa walong distrito (nasa makapal ang distritong kabisera):
- Çemişgezek
- Hozat
- Mazgirt
- Nazimiye
- Ovacık
- Pertek
- Pülümür
- Tunceli
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads