Letonya
Bansa sa Hilagang Europa From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Letonya (Latbiyano: Latvija), opisyal na Republika ng Letonya, ay bansang matatagpuan sa rehiyong Baltiko ng Hilagang Europa. Hinahangganan ito ng Estonya sa hilaga, Litwanya sa timog, Rusya sa silangan, at Biyelorusya sa timog-silangan; nagbabahagi rin ito ng limitasyong maritimo sa Suwesya sa kanluran. Sumasaklaw ito ng lawak na 64,589 km2 at may populasyon ng halos 2.8 milyon. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Riga.
Ang Latbiya ay isang demokratikong parlamentariyong republika na itinatag noong 1989. Riga ang kabisera nito, at ang opisyal na wika nito ay Latbiyano. Nahahati ito sa 118 dibisyon, na kung saan ang 109 rito ay mga munisipalidad at ang 9 ay mga lungsod.[1]
Ang Republika ng Latbiya ay itinatag noong 18 Nobyembre 1918, ngunit ang kalayaan nito ay naputol nang sinakop ito ng Unyong Sobyet noong 1940, ng Alemanyang Nazi noong 1941, at muling sakupin ng Unyong Sobyet noong 1944 para buuin ang Latbiyanong SSR sa loob ng limampung taon. Noong 21 Agosto 1991, muling nagdeklara ng kalaayan ang Latbiya.
Remove ads
Pangunahing mga sentro ng populasyon
Sanggunian
Panlabas na kawing
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads