Lungsod ng Luksemburgo

From Wikipedia, the free encyclopedia

Lungsod ng Luksemburgomap
Remove ads

Ang Luksemburgo (Luxembourg: Lëtzebuerg, Pranses: Luxembourg, Aleman: Luxemburg),[bigkas 1] kilala din bilang Lungsod ng Luksemburgo (Luxembourg: Stad Lëtzebuerg o d'Stad, Pranses: Ville de Luxembourg, Aleman: Stadt Luxemburg, Luxemburg-Stadt),[bigkas 2] ay ang kabisera ng Gran Dukado ng Luksemburgo at ang pinakamataong komuna ng bansa. Nakatayo sa pagtatagpo ng mga ilog ng Alzette at Pétrusse sa katimugang Luxembourg, matatapuan ang lungsod sa puso ng Kanlurang Europa, mga 213 km (132 mi) sa daan mula sa Brussels, 372 km (231 mi) mula Paris, at 209 km (130 mi) mula Cologne.[1] Narito sa lungsod na ito ang Kastilyong Luksemburgo, na itinatag ng mga Pranko noong Maagang Gitnang Panahon, na nasa palibot nito ay umnulad ang isang panirahan.

Agarang impormasyon Lungsod ng Luxembourg Stad Lëtzebuerg Luxembourg Luxemburg, Bansa ...

Noong Disyembre 31, 2019, mayroong populasyon na 122,273 ang Lungsod ng Luksemburgo,[2] na higit sa tatlong beses ang populasyon ng ikalawang pinakamataong komuna ng bansa, ang Esch-sur-Alzette. Binubuo ng populasyon ng lungsod ang 160 nasyonalidad. Kumakatawan sa 70% ang mga banyaga sa populasyon ng lungsod, habang binubuo ng 30% ng populasyon ang tubong Luksemburgo at ilang bilang ng residente na ipinanganak sa labas ng bansa na nasa lungsod ang tuloy-tuloy na tumataas bawat taon.[3]

Noong 2011, nakaranggo ang Luksemburgo na mayroong ikalawang pinakamataas na per capita GDP sa buong mundo sa $80,119 (PPP),[4] kasama ang pag-unlad ng bansa sa isang pagbabangko at administratibong sentro. Noong 2011, inilagay ng pagsisiyasat ng Mercer noong 2011 sa 221 lungsod sa buong mundo, ang Luxembourg sa unang puwesto para sa pansariling kaligtasan, habang nakaranggo sa ika-19 para sa kalidad ng buhay.[5]

Remove ads

Mga pananda

  1. Luxembourgish: [ˈlətsəbuə̯ɕ] ( pakinggan)
    Pranses: [lyksɑ̃buʁ]
    Aleman: [ˈlʊksm̩bʊɐ̯k]
  2. Luxembourgish: [ˌʃtaːt ˈlətsəbuə̯ɕ] ( pakinggan), Luxembourgish: [tʃtaːt] ( pakinggan)
    Pranses: [vil də lyksɑ̃buʁ]
    Aleman: [ˌʃtat ˈlʊksm̩bʊɐ̯k]

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads