Nobelang magaan

estilo ng nobelang Hapon From Wikipedia, the free encyclopedia

Nobelang magaan
Remove ads

Ang nobelang magaan, (Ingles: light novel) kilala ring ranobe[1] (pinaikling tawag sa salitang Hapón na ライトノベル raito noberu) at minsan dinadaglat bilang LN, ay isang istilo ng nobelang pambatang-matanda (young adult), lalo na sa mga kabataang nasa haiskul,[2][3] na nagmula sa bansang Hapón. Madalas umaabot sa 50,000 mga salita ang haba ng isang nobelang magaan, malapit na sa pinakamababang hangganang inaasahan para sa isang nobelang Kanluranin.[4] Madalas itong inililimbag sa sukat na bunkobon (papel na A6, o 10.5 sm. × 14.8 sm.). Madalas ring siksik ang iskedyul ng paglilimbag sa mga ito.

Thumb
Isang tindahan ng mga nobelang magaan sa Macau.

Kilala ang mga nobelang magaan dahil sa paglalagay ng mga larawang nakaguhit sa istilong manga. Kalimitang nagkakaroon rin ang mga ito ng sarili nilang manga at anime. Di tulad ng karamihan sa mga tradisyonal na nobela, magkakahiwa-hiwalay na inililimbag ang mga tomo ng nobela, na madalas ginagawang serye. Baha-bahagi namang inililimbag ang bawat kabanat ng ilang mga nobelang magaan sa mga magasing antolohiya bago ito kolektahin sa anyong libro, madalas pagkatapos ng isang arko ng kwento.

Remove ads

Tingnan din

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads