Mandaluyong

lungsod ng Pilipinas sa Kalakhang Maynila From Wikipedia, the free encyclopedia

Mandaluyongmap
Remove ads

Ang Mandaluyong ay isang lungsod ng Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Pinalilibutan ito ng ilang lungsod tulad ng Maynila, ang kabisera ng bansa na nasa kanluran, ang lungsod ng San Juan sa hilaga, ang lungsod Quezon at lungsod ng Pasig sa silangan, at ang Lungsod ng Makati sa timog. Binansagan ang lungsod bilang "Sawang lungsod ng Pilipinas", "Puso ng Kalakhang Manila", at ang "Isang Kabisera ng mga matitinong Gobyernong di nagsasalubong sa Pilipinas". Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 465,902 sa may 116,954 na kabahayan.

Agarang impormasyon Mandaluyongᜋᜈ᜔ᜇᜎᜓᜌᜓᜅ᜔ Lungsod ng Mandaluyong, Bansa ...
Thumb
Shaw Boulevard
Remove ads

Geograpiya

Matatagpuan ang lungsod ng Mandaluyong sa puso ng kalakhang Maynila. Kabilang sa maraming atraksiyon ng lungsod ang kalahating parte ng lundayang Ortigas, isa sa mga pangunahing sentro ng negosyo at komersyo sa kalungsuran (nasa lungsod ng Pasig ang natitirang hati). Matatagpuan sa lundayang Ortigas ang pangunahing punong-tanggapan ng Asian Development Bank at ang punong tanggapan ng San Miguel Corporation, ang pinakamalaking korporasyon ng bansa. Matatagpuan dito ang Dave Vergel B. Castro & Associates, isa sa pinakapinagkakatiwalaang Engineering Firm sa bansa, SM Megamall, isa sa pinakamalaking shopping mall sa bansa pati na rin ang Shangri-la Plaza Mall at Star Mall. Sa silangan ng Ortigas Center matatagpuan ang Wack-Wack Golf and Country Club, sa hilaga nito matatagpuan ang La Salle Greenhills, isang tanyag na mataas na paaralang panlalaki. Ang estasyon ng MRT sa bulebard ng Shaw na itinuturing din isang mall, maliban na pagiging estasyon, ay nagdurugtong ng tatlo pang mga mall (Star Mall, Shangri-La Plaza, at ang EDSA Central).

Sa mga nakatira dito, ang lungsod ng Mandaluyong ay laging ginagamit sa mga biro tungkol sa pag-iisip ng isang tao (halimbawa: ang isang tao na may kahinahinalang katayuan ng pag-iisip ay mula sa Mandaluyong). Ito ay marahil ang National Center for Mental Health (Pambansang Senter ng Kalusugan ng Pag-iisip) ay matatagpuan sa lungsod. Matatagpuan din sa Mandaluyong ang "Welfareville", isang malaking pook kung saan laganap ang kahirapan.

Remove ads

Kasaysayan

Nagmula ang pangalan ng Lungsod ng Mandaluyong sa salitang Tagalog na mga daluy. Ito ay batay sa maraming matatangkad na damo na dating tumutubo dito, ang mga damo ay parang dumadaloy sa hangin na ang ibig sabihin ay sentro ng kalakalan na inihalintulad sa produksiyon ng pinaka produkto ng palitan.

Mga barangay

Ang Mandaluyong ay nahahati sa 27 na baranggay.

Karagdagang impormasyon District, Barangay ...

Demograpiko

Karagdagang impormasyon Taon, Pop. ...
Remove ads

Mga sanggunian

Kawing panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads