Manetho

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Si Manetho o Manethon (play /ˈmænɪθ/; Sinaunang Griyego: Μανέθων, Manethōn, o Μανέθως, Manethōs), na nakikilala rin bilang Maneto, Maneton, o Manetheo[1] ay isang Ehipsiyong manunulat ng kasaysayan at pari mula sa Sebennytos (sinaunang wikang Ehipsiyo: Tjebnutjer) na namuhay noong panahong Ptolemaiko, na tinatayang noong ika-3 daantaon BK. Ilan sa mga manunulat ng kasaysayan ang nagpapanatili na si Manetho ay mula sa Roma at inakdaan niya ang kaniyang akda noong humigit-kumulang sa sirka 200 AD [2] Isinulat ni Manetho ang Aegyptiaca (Kasaysayan ng Ehipto). Kaakit-akit para sa mga ehiptologo ang kaniyang gawa, at madalas na ginagamit bilang katibayan para sa kronolohiya ng mga pamumuno ng mga paraon. Ang pinakamaaga at nag-iisang nailigtas at umiiral na pagtukoy sa Aegyptiaca ni Manetho ay ang ginawang pagbanggit ni Hudyong manunulat ng kasaysayan na si Josephus, sa loob ng kaniyang akdang "Laban kay Apion".

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads