Manila Hotel

From Wikipedia, the free encyclopedia

Manila Hotelmap
Remove ads

Ang Manila Hotel ay isang 570-silid, at makasaysayang five-star hotel sa may Look ng Maynila sa Maynila, Pilipinas.[2] Ang hotel ay ang pinakamatandang prestihiyosong hotel sa Pilipinas na itinayo noong 1909 upang matapatan ang Palasyo ng Malacañang, ang opisyal na tirahan ng Pangulo ng Pilipinas. Binuksan ito noong Hulyo 4, 1912, kasabay sa paggunita ng Kalayaan ng Estados Unidos.[4]

Agarang impormasyon Pangkalahatang impormasyon, Kinaroroonan ...

Itinayo ang 35,000 m² na complex ng hotel sa nireklamang lupa sa may hilagang-kanlurang dulo ng Liwasang Rizal sa kahabaan ng Bonifacio Drive.[5] Ang penthouse nito ay nagsilbing tirahan ni Heneral Douglas MacArthur noong kaniyang panunungkulan bilang Tagapayong Militar ng pamahalaang Komonwelt mula 1935 hanggang 1941.[6]

Sa hotel nakabase ang ilang tanggapan ng dayuhang kumpanyang pambalitaan, kasama rito ang The New York Times.[4] Ilang tanyag sa kasaysayan at kilalang personalidad ang nanuluyan dito kasama ang mga awtor na sina Ernest Hemingway and James A. Michener; aktor na si Douglas Fairbanks, Jr. at John Wayne; publisher na si Henry Luce; mang-aawit na sina Sammy Davis, Jr., Michael Jackson at The Beatles; Pangulo ng Estados Unidos na si John F. Kennedy, Punong Ministrong si Sir Anthony Eden, at iba pang mga lider ng daigdig.[5][7]

Itinayo ang tore ng hotel noong 1977, at nilampasan ang Philippine Plaza Hotel (ngayo'y Sofitel Philippine Plaza) sa Lungsod Pasay.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads