Ikalawang Linya ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Ang ikalawang linya ng Sistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Ikalawang Linya o ang Linyang Bughaw ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (Blue Line) at kilala dati bilang Linyang Lila (Purple Line) ay ang ikalawang linya ng tren ng Maynila. Sa kasalukuyan binubuo ng labing-isang mga estasyon na may 13.8 kilometro. Maaring ang mga estasyon ay may riles na nakaangat, maliban sa Katipunan, na nasa ilalim ng lupa. Katulad ng pinahihiwatig ng pangalan nito, kulay asul ang linya sa lahat ng mga mapa ng tren.
Tumatakbo ang linya sa kanluran-silangan na direksiyon, at dumadaan sa mga lungsod ng Maynila, Marikina, Lungsod Quezon, at San Juan. Pwedeng lumipat ang mga pasahero sa Linyang Lunti sa Recto, at sa Linyang Dilaw sa Araneta Center-Cubao.
Bago ipinalabas ang Sistemang Panlulan ng Matatag na Republika, tinawag ang linya na MRT Line 2, o Megatren. Subalit, ang lilang kulay nito, na ginamit simula nang buksan ito noong 2003, ay ginagamit padin kahit na pinalitan na ang kulay ng linya ng bughaw.
Remove ads
Kasaysayan
- 5 Abril 2003: Santolan hanggang Araneta Center-Cubao
- 5 Abril 2004: Araneta Center-Cubao hanggang Legarda
- 29 Oktubre 2004: Legarda hanggang Recto
- 3 Oktubre 2019 - 22 Enero 2021: Araneta Center-Cubao hanggang Recto
- 5 Hulyo 2021 Antipolo hanggang Recto[2]
Paghahanay
Ang Linyang Bughaw ay nakahanay sa Radial Road 6, sa Lansangang Marikina–Infanta, Bulebar Aurora, Bulebar Magsaysay, Kalye Legarda, at sa Circumferential Road 1 sa Abenida Recto.
Tumutuloy ang linya pagkatapos ng huling hinto nito sa Recto, at nagtatapos malapit sa Divisoria.
Talaan ng mga estasyon
Hinaharap
Pagpapahaba ng Linyang Bughaw
Ang isang apat na kilometrong pagpapahaba sa silangan ng Linyang Bughaw papuntang Dugtungan ng Masinag sa Antipolo, Rizal, ay pinaplano. Inaprubahan ito ng National Economic and Development Authority (NEDA), pero ang pagtangka ay na sa kalihim ng NEDA . Sa hinaharap, pwedeng mapahaba ang linya hanggang sa Daungan ng mga Barko ng Manila sa kanluran, at sa Cogeo sa Antipolo sa silangan.
Remove ads
Talababa
Mga Kawing panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads