Daang Palibot Blg. 1
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Daang Palibot Blg. 1 (Ingles: Circumferential Road 1), na itinakda (at mas-kilala) bilang C-1, ay isang pinag-ugnay na mga daan at tulay na bumubuo sa pinakauna at pinakaloob na daang palibot ng Maynila, ang kabesera ng Pilipinas.[1] Matatagpuan sa loob ng Lungsod ng Maynila ang kabuuan ng daang palibot, at kumokonekta ito sa mga distrito ng Ermita, San Miguel, Quiapo, Santa Cruz, Binondo, San Nicolas, at Tondo.
Hilagang dulo: Daang Marcos sa Tondo Katimugang dulo: Bulebar Roxas sa Ermita |
Remove ads
Ruta
Mula hilaga hanggang timog, binubuo ng mga sumusunod na bahagi ang Daang Palibot Blg. 1:
Abenida Recto (Recto Avenue)
Mula sa hilagang dulo nito sa Hilagang Daungan ng Maynila hanggang sa katimugang dulo nito sa Kalye Legarda/Kalye Mendiola, kilala ang C-1 sa pangalang Abenida Recto. Nagsisimula ito sa sangandaan ng Daang Marcos (R-10) sa pagitan ng mga distrito ng Tondo at San Nicolas, at dumadaan ito sa mga distrito ng Binondo, Santa Cruz, at Quiapo. Nagtatapos ito sa sangandaan nito sa Kalye Mendiola at Kalye Legarda (R-6). Ang kabuuan ng Abenida Recto ay bahagi ng C-1.
Kalye Legarda
Liliko ang C-1 patimog sa Kalye Legarda malapit sa Simbahan ng San Sebastian, at tutumbukin nito ang sangandaan nito sa Kalye J. Nepomuceno at Kalye Arlegui. Tutuloy ang C-1 bilang Kalye Pedro Casal.
Kalye Pedro Casal (Pedro Casal Street)
Sa pagitan ng Kalye Arlegui at Tulay ng Ayala (na tumatawid sa ibabaw ng Ilog Pasig), kilala ang C-1 sa pangalang Kalye Pedro Casal. Dumadaan ito sa campus ng Institusyong Panteknolohikal ng Pilipinas sa Quiapo at papasok sa San Miguel paglampas ng Estero de San Miguel. Tutumbukin nito ang Kalye Heneral Solano na nagbibigay ng daan patungong Palasyo ng Malacañang bago maabot nito ang Tulay ng Ayala.
Bulebar Ayala (Ayala Boulevard)
Sa pagitan ng Tulay ng Ayala at Abenida Taft sa Ermita, kilala ang C-1 sa pangalang Bulebar Ayala. Dumadaan ito sa mga ligid ng Concepcion at Arroceros, at mga institusyong edukasyonal ng Pamantasang Normal ng Pilipinas at Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas bago bumagtas ng Abenida Taft para maging Kalye Pananalapi.
Kalye Pananalapi (Finance Road)
Sa hilagang-silangang bahagi ng Liwasang Rizal sa tabi ng Pambansang Museo ng Pilipinas at Museo ng Mamamayang Filipino, magiging Kalye Pananalapi ang C-1. Ang nasabing maikling daan ay tutumbok sa Abenida Padre Burgos malapit sa sangandaan ng Abenida Maria Orosa.
Abenida Padre Burgos (Padre Burgos Avenue)
Dinadala ng Abenida Padre Burgos ang C-1 sa pagitan ng Liwasang Rizal Park at Intramuros hanggang sa dulo nito sa sangandaan ng Bulebar Roxas at Daang Bonifacio (R-1).
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads