Marilyn Monroe
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Marilyn Monroe[2][3] (1 Hunyo 1926 – 5 Agosto 1962), ipinanganak bilang Norma Jeane Mortenson, ngunit bininyagan bilang Norma Jeane Baker, ay isang Amerikanang aktres, mang-aawit, at modelo. Gumanap siya sa mahigit sa 29 mga pelikula at naging bida sa loob ng 15 ng mga ito. Nagwagi siya ng maraming mga parangal na kinabibilangan ng tatlong Ginintuang Globo. Noong dekada ng 1950, naging simbolo siya ng seks sa kanluraning mundo. Kilala rin siya dahil sa kanyang tatlong bigong pagkakakasal kina, ayon sa pagkakasunudsunod, James Dougherty na isang pulis, kay Joe DiMaggio na isang manlalaro ng beysbol, at kay Arthur Miller na isang mandudula o manunulat ng dula. Noong 1999, inihanay siya ng instituto ng pelikula sa Amerika bilang pang-anim na dakilang bituin sa pelikula sa lahat ng panahon.[4]

Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads