Si Martin Heidegger ay ipinanganak sa Meßkirch, SW Germany. Naging guro siya ng Pilosopiya sa Marburg (1923–8) at Freiburg (1929–45). Bagama't hindi niya nakumpleto, iprinisinta niya ang kanyang likha na Sein at Zeit (1927, Being and Time). Naipakita dito ang ontolohikong klasipikasyon ng isang nilalang. Itinanggi niya ang sarili bilang isang eksistensiyalista sapagkat hindi lamang ang eksistens ng isang tao ang kanyang pinahahalagahan kundi ang pangkabuuang problema ng nilalang. Ganun pa man, naging maimpluwensiyang figura si Heidegger sa pagkalikha ng Satre's Existentialism.