Melchora Aquino

Ina ng Katipunan From Wikipedia, the free encyclopedia

Melchora Aquino
Remove ads

Si Melchora Aquino (Enero 6, 1812 – Pebrero 19, 1919) ay isang Pilipinong mapaghimagsik na mas kilala bilang Tandang Sora dahil sa kanyang edad noong panahon ng Himagsikang Pilipino (1896–1899). Tinagurian din sya bilang "Ina ng Balintawak" at "Dakilang Babae ng Rebolusyon" dahil sa kanyang ambag sa kilusan.

Agarang impormasyon Kapanganakan, Kamatayan ...
Remove ads

Maagang buhay at pag-aasawa

Ipinanganak si Melchora Aquino noong Enero 6, 1812, sa Barrio Banlat, Caloocan (ngayon ay Barangay Tandang Sora, Quezon City). Pinangalanan sya mula kay Melchior, isa sa Tatlong Pantas na Hari, dahil ipinanganak sya sa kapistahan ng Epipanya. Anak sya ng mag-asawang magsasaka na sina Juan at Valentina Aquino. Bagamat hindi nakapag-aral, sya ay marunong magbasa at may husay sa pagkanta, kung saan madalas syang inaanyayahan sa mga misa at pamayang pagdiriwang.

Naging asawa nya si Fulgencio Ramos, isang cabeza de barrio (pinuno ng baryo), at nagkaroon sila ng anim na anak. Nang mamatay ang kanyang asawa noong ang kanilang bunso ay pitong taong gulang, itinaguyod nya ang kanilang mga anak bilang mag-isang magulang.

Remove ads

Paglahok sa himagsikan

Sa kanyang bayang sinilangan, nagpatakbo si Tandang Sora ng isang tindahan na naging kanlungan ng mga mapaghimagsik na sugatan at maysakit. Pinakain nya, binigyan ng tulong na medikal, at inaliw ang mga mapaghimagsik sa pamamagitan ng payo ng isang ina at mga panalangin.[1]

Noong Agosto 1896, ang kanyang bahay ay ginamit bilang pook ng lihim na pagpupulong ng mga Katipunero. Dahil sa kanyang mala-inang pagtulong sa himagsikan, nakilala sya sa mga ngalang tulad ng "Babae ng Rebolusyon", "Ina ng Balintawak", "Ina ng Himagsikang Pilipino", at ''Tandang Sora'' (ang "Tandang" ay mula sa salitang Tagalog na "matandâ"). Siya at ang kanyang anak na si Juan Ramos ay naroon sa Sigaw ng Balintawak at naging saksi sa pagkapunit ng mga sedula.[2] [3][4]

Nang malaman ng mga Espanyol ang kanyang mga paggalaw at ang kaalaman nya tungkol sa mga Katipunero, siya ay inaresto ng guardia civil noong Agosto 29, 1896. Siya ay ikinulong sa bahay ng isang cabeza de barangay sa Pasong Putik, Novaliches, at kalaunan ay inilipat sa Bilibid Prison sa Maynila. Habang nasa bilangguan, siya ay inusisa ngunit tumanggi syang magbigay ng anumang batid. Kalaunan, siya ay ipinatapon sa Guam, Kapuluang Mariana ni Gobernador-Heneral Ramón Blanco noong Setyembre 2. Sa Guam, siya at isang babaeng nagngangalang Segunda Puentes ay inilagay sa ilalim ng house arrest sa tahanan ni Don Justo Dungca. [5][6]

Matapos masiil ng Estados Unidos ang Pilipinas noong 1898, tulad ng ibang ipinatapon, bumalik si Tandang Sora sa Pilipinas noong 1903. Kalaunan, naging masiglang kasapi siya ng Iglesia Filipina Independiente. [7]

Remove ads

Kamatayan

Namatay si Melchora Aquino noong Pebrero 19, 1919, sa edad na 107. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, binigyan sya ng state honors bilang pagkilala sa kanyang mga ambag sa himagsikan. Ang kanyang mga labi ay inilibing sa iba't ibang lugar hanggang sa nailipat sa Tandang Sora National Shrine noong 2012.

Pamana

Si Melchora Aquino ay ginugunita sa iba't ibang paraan:

- Ang kanyang mukha ay makikita sa lumang limang sentimong barya at sa 100-peso banknote ng English Series.

- Ang Tandang Sora ay ipinangalan sa isang barangay, isang kalsada, at isang Coast Guard vessel bilang pagkilala sa kanya.

- Noong 2012, ipinagdiwang ang kanyang ika-200 kaarawan kung saan tinalaga ito bilang Tandang Sora Year.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads