Mga Pangasinan

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang mga Pangasinan (Pangasinan: Totoon Pangasinan), kilala din bilang Pangasinense, ay isang pangkat-etnolingguwistikong katutubo sa Pilipinas. Bumibilang sa 1,823,865 noong 2010, sila ang ika-10 pinakamalaking pangkat-etnolingguwistiko sa bansa.[2] Pangunahing nakatira sila sa kanilang taal na lalawigan ng Pangasinan at ang katabing mga lalawigan ng La Union at Tarlac, gayon din ng Benguet, Nueva Ecija, Zambales, at Nueva Vizcaya. Matatagpuan din sila sa iba pang bahagi ng Pilipinas at sa diyasporang Pilipino sa buong mundo.

Agarang impormasyon Kabuuang populasyon, Wika ...
Remove ads

Etimolohiya

Nangangahulugan ang pangalang bilang ang "lupain ng asin" o "lugar ng paggawa ng asin". Hinango ito sa salitang asin, ang salitang Pangasinan na "asin" din ang kahulugan sa Tagalog. Tinutukoy ang mga Pangasinan bilang Pangasinense. Tumutukoy ang katawagang Pangasinan sa katutubong tagapagsalita ng wikang Pangasinan o mga taong may pamana o lahing Pangasinan.

Demograpiya

Thumb
Pinapakita ang mga Pangasinan sa kulay marun.
Thumb
Posibleng mga nanirahang Pangasinense ng Caboloan na may nakataling buhok at espadang Kampilan, na sinalarawan sa Kodiseng Boxer (1590) na hinulaang nanggaling sa Angklahe ng Taimei, Gulpo ng Lingayen, Luzon

Tinatayang ang populasyon ng mga Pangasinan sa lalawigan ng Pangasinan na 2.5 milyon. Naninirahan din ang mga Pangasinan sa mga katabing lalawigan ng Tarlac at La Union (na dating bahagi ng lalawigan ng Pangasinan), Benguet, Nueva Ecija, Zambales, at Nueva Vizcaya; gayon din ang mga pamayanang Pangasinan sa ibang bahagi ng Pilipinas at ibayong-dagat.

Remove ads

Indigenous religion

Bago ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas na dinala ang Katolisismo sa bansa, naniwala ang mga Pangasinan sa mga panteon ng kakaibang mga diyos at diyosa.[3]

Mga imortal

  • Ama: ang kataas-taasang diyos, pinuno ng iba, at ang lumikha sa sangkatauhan; nakikita ang lahat sa pamamagitan ng kanyang tirahan sa langit; ama ni Agueo at Bulan[4] na tinutukoy din bilang Ama-Gaolay[3]
  • Agueo: ang malungkot at hindi umiimik na diyos na araw na sumusunod sa kanyang ama, si Ama; naninirahan sa isang palasyo ng liwanag[4]
  • Bulan: ang masayahin at pilyong diyos na buwan, na ang madilim na palasyo ay ang pinanggalingan ng walang hanggang liwanag na nagiging bituin; ginagabayan ang daanan ng mga magnanakaw[4]

Mortals

  • Urduja: isang prinsesang mandirigma na pinamunuan ang isang kataas-taasang armada[5]

Mga kilalang Pangasinense

Si Urduja ay isang malaalamat na mandidigmang babae na itinuturing bilang isang bayani sa Pangasinan. Pinagtanggol nina Malong at Palaris ang kalayaan mula sa pamumunong Kastila. Ang isa pang prominenteng Pangasinense ay si Fidel Ramos, na ipinanganak sa Lingayen at nagsilbi sa Gabinete ni Pangulong Corazón Aquino, una bilang punong-kawani ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, at sa kalaunan, bilang Kalihim ng Kagawaran ng Tanggulang Bansa mula 1986 hanggang 1991 bago naging ika-12 pangulo ng Pilipinas. Ang ibang pang kilalang Pangasinense o may lahing Pangasinan ay sina Tania Dawson na mula ang ina sa Santa Maria, Pangasinan, Jose de Venecia, Jr. ang mambabatas na ipinanganak sa Lungsod ng Dagupan, Pangasinan; at ang aktor at ang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas na si Fernando Poe Jr. na ipinanganak ang ama sa Lungsod ng San Carlos, Pangasinan. Mga Pangasinense o may lahing Pangasinan din sina Victorio C. Edades, Angela Perez Baraquio, Ambrosio Padilla, Cheryl Cosim (taga-ulat), Marc Pingris, at Ric Segreto. Kabilang sa iba pang artistang Pangasinan sina Donita Rose, Marlou Aquino, Lolita Rodriguez, Barbara Perez, Gloria Romero, Carmen Rosales, Nova Villa, Jhong Hilario, at Liza Soberano.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads