Michael Halliday
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Si Michael Alexander Kirkwood Halliday ay isang lingwista na pinanganak sa Inglatera.
Remove ads
Sa pag-aaral ng wika ng mga bata
Noong 1975, nilista ni Halliday ang pitong tungkulin ng wika kapag ito'y inaaral ng mga bata.
Instrumental
Ang instrumental na tungkulin ng wika ay ang paggamit nito upang maipahayag ang kanilang mga kagustuhan o pangangailangan.
Regulatory
Ang regulatoryong tungkulin ng wika ay ginagamit upang magsilbing gabay sa mga pangyayaring nagaganap.
Interactive
Ang interaksiyonal na tungkulin ng wika ay ang paggamit ng wika bilang isang pamamaraan ng komunikasyon. Sa interaksyunal na tungkulin ng wika, nakakapagtatag ang ibat ibang tao ng relasyong sosyal.
Personal
Ang personal na tungkulin ng wika ay ang paggamit ng wika upang mailahad at mapahalagahan ang anumang preperensya o pagkakakilanlan ng tao.
Impormatibo
Ang Impormatibo na tungkulin ng wika ay ang paggamit ng wika para sa pagkalat ng impormasyon.
Heuristika
Ang heuristikang tungkulin ng wika ay ang paggamit ng wika upang maunawaan ang nangyayari sa kapaligiran.
Imahinasyonal
Ang imahinasyonal na gampanin ng wika ay magpinta at magsalin ng mga grupo ng salitang bigkas o sulat na bubuo ng mga eksena o larawan sa isip. Nagiging aktibo ang punsyong ito tuwing ang nagsasalita ay gumaganap bilang isang imahinasyonal o kathang-isip na karakter, o kaya naman ay gumagamit ng tauhan upang makalikha ng imahinasyonal na sitwasyon.
Remove ads
Sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads