Sulat Monggol

sistema ng pagsulat na ginagamit para sa wikang Monggol From Wikipedia, the free encyclopedia

Sulat Monggol
Remove ads

Ang tradisyonal na sulat Monggol na kilala rin bilang Hudum Mongol bichig, ay ang unang sistema ng pagsulat na nilikha mismo para sa wikang Monggol, at ito ang pinakalaganap dati hanggang sa pagpapakilala ng Siriliko noong 1946. Kinaugaliang isinusulat ito nang patayo mula itaas pababa, pakanan sa pahina. Hinango mula sa alpabeto ng Lumang Uyghur, isa itong tunay na alpabeto, na may magkakahiwalay na titik para sa mga katinig at patinig. Inangkop ito para sa mga ibang wika gaya ng Oirat at Manchu. Patuloy na ginagamit ang mga alpabetong nakabatay sa klasikal na patayong script na ito sa Monggolya at Monggolyang Interyor upang isulat ang wikang Monggol, wikang Sibe at, sa eksperimentong paraan, wikang Ebenki.

Agarang impormasyon Sulat Monggol ᠮᠣᠩᠭᠣᠯ ᠪᠢᠴᠢᠭ, Uri ...

Naging mabagal ang mga sistemang operatibo ng mga kompyuter sa pagpapatibay ng suporta para sa sulat Monggol; halos lahat ay nagkukulang sa suporta o nagkakaproblema sa pagpapakita ng teksto.

Remove ads

Kasaysayan

Thumb
Ang tinatawag na Bato ni Genghis Khan o Estela ng Yisüngge, na may kinikilalang pinakamatandang inskripsiyon sa sulat Monggol.[1]:33

Binuo ang patayong sulat Monggol bilang pag-aangkop ng alpabeto ng Lumang Uyghur para sa wikang Monggol.[2]:545 Si Tata-tonga, isang eskribang Uyghur noong ika-13 siglo na nahuli ni Genghis Khan, ang naging responsable sa pagdala ng alpabetong Lumang Uyghur sa Talampas Monggol at sa pag-aangkop nito patungo sa anyo ng sulat Monggol.[3]

Sa pagitan ng ika-7–8 at ika-15–16 na siglo, nabuo ang wikang Mongolian sa tatlong pangunahing diyalekto: timog, silangan, at kanluran. Ang mga pangunahing dokumento mula sa panahon ng wikang Gitnang Monggol ay: sa silanganing diyalekto, ang sikat na teksto Ang Sikretong Kasaysayan ng mga Monggol, mga monumento sa pakuwadradong sulat, mga materyales ng talahulunganang Tsino–Monggol ng ikalabing-apat na siglo at mga materyales ng wikang Monggol ng gitnang panahon sa transkripsiyong Tsino, atbp.; sa kanluraning diyalekto, mga materyales ng mga diksiyonaryong Arabe–Monggol at Persa–Monggol, mga tekstong Monggol sa transkripsiyong Arabe, atbp.[4](pp1–2) Ang mga pangunahing tampok ng panahon ay nawala ang ponemikong kahalagahan ng mga patinig na ï at i, na nagbuo sa ponemang i (sa diyalektong Chakhar, ang Pamantayang Monggol sa Monggolya Interyor, magkahiwalay pa rin ang mga patinig na ito); nawala ang mga interbokal na katinig na ɣ/g, b/w at nagsimula ang paunang proseso ng pagbubuo ng mahahabang patinig sa wikang Monggol; napanatili ang unang h sa maraming salita; nawala minsan ang mga kategoryang panggramatika, atbp. Nagpapaliwanag ang paglilinang sa panahong ito kung bakit kahawig ng patayong sulat Arabe ang sulat Monggol (sa partikular ang pagkakaroon ng sistema ng tuldok).[4](pp1–2)

Remove ads

Halimbawa

Karagdagang impormasyon Manuskrito, Naka-type ...
Remove ads

Galeriya

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads