Morpeo

From Wikipedia, the free encyclopedia

Morpeo
Remove ads

Sa mitolohiyang Griyego, si Morpeus o Morpeo (Griyego: Μορφέας, Μορφεύς, "lalaking naghuhugis, humuhubog, nag-aanyo, nagbabanghay[1], o nagmomolde", mula sa Griyegong morphe, may kahulugang "anyo", "korte", "hugis", "istura", "hitsura", "asta", o "porma"[2][3][1]; Ingles: Morpheus[2]; Kastila: Morfeo) ay isang Griyegong diyos ng mga panaginip o diyos ng mga pangarap, at diyos din ng pagtulog dahil nakapagpapadala siya ng mga pangitain ng mga anyong tao sa mga nahihimbing sa pagtulog.[2] Mayroon siyang kakayanang magbago ng anyo upang maging isang tao, anuman ang anyo. Kaya rin niyang lumitaw sa loob ng mga panaginip. Sa kanyang tunay na kaanyuan, nilalarawan siya bilang may mga pakpak sa kanyang likod. Anak na lalaki siya ni Hypnos o "Tulog".[2]

Thumb
Morpeo at Iris, ipininta ni Pierre-Narcisse Guérin (1811).
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads