Muhammad bin Bakhtiyar Khalji

From Wikipedia, the free encyclopedia

Muhammad bin Bakhtiyar Khalji
Remove ads

Si Ikhtiyār al-Dīn Muḥammad Bakhtiyār Khaljī[1] kilala din bilang Muḥammad Bakhtiyar Khalji[2][3] ay isang heneral ng militar na pinamunuan ang Muslim na pananakop ng silangang Indiyanong mga rehiyon ng Bengal at Bihar at itinatag ang kanyang sarili bilang kanilang pinuno.[4][5][6][7]

Agarang impormasyon Ikhtyiar Uddin Muhammad bin Bakhtiyar Khalji, Sumunod ...

Sa Bengal, naging dahilan ng kanyang pamumuno ang paglaganap ng Islam.[8][9] Hinangaan ng mga Islamista,[10][8] sinumulan ng pananakop ni Bakhtiyar ang Islamikong pamumuno sa Bengal, higit na kapansin-pansin ang mga Sultanatong Bengal at Bengal na Mughal.[11] Pinaniniwalaan na ang kanyang mga pagsakop ay nagdulot din ng malubhang pagkawasak sa pananampalatayang Budista sa Silangang Indya.[12]

Inilunsad ni Bakhtiyar ang kampanyang Tibet. Namatay siya noong 1206 at sinundan ni Muhammad Shiran Khalji.

Remove ads

Maagang buhay

Ipinanganak at lumaki si Bakhtiyar Khalji sa Garmsir, Helmand, sa kasalukuyang katimugang Afghanistan. Kasapi siya ng tribong Khalaj,[13][14][15][16] na isang tribo na may Turkong pinagmulan na pagkatapos lumipat mula sa Turkistan ay nanirahan sa Afghanistan ng higit sa 200 taon.[17][18][19]

Siya ang pinuno ng puwersang militar na sumakop sa mga bahagi ng silangang Indya noong huling bahagi ng ika-12 dantaon at noong simula ng ika-13 dantaon.

Pagbangon

Sabi sa tradisyon, naihula na ang pananakop ni Khalji ng Bengal sa pamumuno ng 18 mangangabayo.[20] Galing siya sa karaniwang pagkapanganak,[21] may mahabang braso na lumalagpas sa kanyang mga tuhod,[20] may pagkabansot, at isang hindi kanais-nais na mukha. Una siyang hinirang bilang Dewan-i-Ard sa Ghor. Pagkatapos, lumapit siya sa Indya noong mga taong 1193 at sinubok na pumasok sa hukbong Qutb al-Din Aibak, subalit tumanggi na magkaroon ng ranggo. Pagkatapos, pumunta pa siya tungong silangan at nagtrabaho sa ilalim ni Malik Hizbar al-Din, pagakatapos, naging kumander ng isang pulutong sa Badayun sa hilagang Indya.[21] Pagkalipas ng isang maikling panahon, pumunta siya sa Oudh kung saan kinilala siya ni Malik Husam al-Din sa kanyang kahalagaan.[21] Binigyan siya ni Husam ng isang ari-arian na kumikita sa timog-silangang sulok ng makabagong distrito ng Mirzapur. Sa kalaunan, naitatag ni Khalji ang sarili doon at isinagawa ang matagumpay na mga pagsalakay sa mga rehiyong may mahinang depensa sa silangan.[22]

Remove ads

Mga pananakop

Nagkaroon ng bagong direksyon ang karera ni Khalji nang sinakop niya ang Bihar noong 1200.[23] Nakakuha ang pagsisikap na ito ng pampolitikang impluwensya at kapangyarihan sa korte sa Delhi. Sa parehong taon, dinala niya ang kanyang puwersa tungo sa Bengal. Habang paparating siya sa lungsod ng Nabadwip, sinasabi na sumulong siya ng napakabilis na 18 mangangabayo lamang mula sa kanyang hukbo ang nakakasabay. Sinakop niya ang Nabadwip mula sa lumang emperador Lakshmana Sena noong 1203.[24] Kasunod nito, nagpatuloy si Khalji upang sakupin ang kabisera at punong lungsod, ang Gaur,[25] at pumasok sa karamihan ng Bengal.[26]

Pinaniniwalaan na ang pagsalakay ni Bakhtiyar Khalji ang nagdulot sa lubhang pagkawasak ng mga gusaling Budista sa Odantapuri at Vikramashila na inaakala na mga kuta ng kanyang hukbo.[12] Ipinapahiwatig ng Tabaqat-i Nasiri ni Minhaj-i-Siraj na winasak ni Bakhtiyar Khalji ang isang Budistang monasteryo[12] na kinukumpara ng may-akda sa kanyang paglalarawan sa isang lungsod na tinatawag niyang "Bihar", na sa natutunan ng mga sundalo na vihara ang tawag dito.[27] Sang-ayon sa Amerikanong iskolar na si Hartmut Scharfe, ipinapahiwatig ng mga sangguniang Tibetano na ang monasteryong tinutukoy ay 'yung nasa Vikramashila;[12] naniniwala ang mananalaysay na si André Wink na ang monasteryong ito ay Odantapuri.[27] Sang-ayon sa Budistang iskolar noong ika-17 dantaon na si Taranatha, pinuksa ng mga mananakop ang maraming monghe sa Odantapuri, at sinira ang Vikramashila.[27] Sinabi ng peregrinong Tibetanong si Dharmasvamin, na bumisita sa rehiyon noong ika-13 siglo, na ganap na nawasak ang Vikramashila ng mga mananakop na Turushka (Turko), at ang Nalanda ay tirahan ng isang kumander ng militar na Turushka.[27]

Remove ads

Kamatayan at kinalabasan

Umalis si Ikhtiyar al-Dīn Muḥammad Khalji sa bayan ng Devkot noong 1206 upang atakihin ang Tibet, na iniwan si Ali Mardan Khalji sa Ghoraghat Upazila upang bantayan ang silangang hangganan mula sa kanyang punong-himpilan sa Barisal. Natamo ng mga puwersa ni Khalji ang nakakapinsalang pagkatalo sa mga kamay ng gerilyang Tibetano sa Lambak ng Chumbi noong ekspedisyon niya sa Tibet sa pamamagitan ng di-pamilyar na bulubunduking lupain, na nagpuwersa sa kanya na umatras. Nagbalik si Khalji sa Devkot na may mga isang daan na nanatiling mga sundalo. Nang bumalik si Ikhtiyar Khalji habang nakaratay sa sakit sa Devkot, pinaslang siya ni Ali Mardan.[28][29]

Pagkatapos nito, hinirang ng mga maharlika ni Khalji si Muhammad Shiran Khalji bilang kahalili ni Bakhtiyar. Naghiganti ang mga tapat na mga tropa sa ilalim ni Shiran Khalji para sa pagkamatay ni Ikhtiyar, at ipinakulong si Ali Mardan. Tumakas sa kalaunan si Ali Mardan sa Delhi at pinukaw ang Sultan of Delhi na si Qutb al-Din Aibak na salakayin ang Bengal. Nagbalik si Ali Mardan kasama ang gobernador ng Oudh, si Kayemaz Rumi, at pinatalsik si Shiran. Tumakas si Shiran sa Dinajpur kung saan doon siya namatay sa kalaunan.[30] Si Ghiyas-ud-din Iwaz Khalji ang humalili. Tumakas si Ali Mardan at ginawang Gobernador ng Bengal ni Qutb-ud-din Aibak, ngunit pinatay noong 1212. Muling naluklok si Ghiyas-ud-din sa kapangyarihan at nagdeklara ng kalayaan.[31]

Pamana

Sumalat si Al Mahmud, isang nangungunang manunula mula sa Bangladesh, ng isang aklat ng mga tula na pinamagatang Bakhtiyarer Ghora (Mga Kabayo ng Bakhtiyar) noong unang bahagi ng dekada 1990.[32] Isinalarawan niya si Khalji bilang ang kapuri-puring bayani ng Muslim na pananakop ng Bengal. Noong pamumuno ni Bakhtiyar, nakamit ng Islam ang isang malaking bilang ng mga sumampalataya sa Indya.[33] Pinag-utos ni Muhammad Bakhtiyar Khalji ang pagbasa ng Khutbah at ang paglagay ng pangalan niya sa mga barya. Lumitaw ang mga mosque, madrasa, at khanqah sa bagong mga tirahan ng Islam sa pamamagitan ng pagtingkilik ni Bakhtiyar, at ginaya ang kanyang halimbawa ng kanyang mga Amir.[34][35]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads