Muscat
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Muscat (Arabo: مَسْقَط, Masqaṭ binibigkas [ˈmasqatˤ]) ay ang kabisera at pinakamalking lungsod ng Oman. Dito nakapuwesto ang Gobernasyon ng Muscat. Sang-ayon sa National Centre for Statistics and Information (NCSI), ang kabuuang populasyon ng Gobernasyon ng Muscat ay 1.4 milyon noong Setyembre 2018.[3] Tinatayang sumusukat ang kalakhang lugar nito sa 3,500 km2 (1,400 sq mi).[4] Kilala noon pang unang bahagi ng unang siglo CE bilang isang mahalagang puwerto pangkalakalan sa pagitan ng kanluran at ng silangan, pinamunuan ang Muscat ng iba't ibang katutubong tribo at gayun din ng mga banyagang kapangyarihan tulad ng mga Persyano, ang Imperyong Portuges, Unyong Iberiko at Imperyong Otoman noong sa mga iba't ibang punto ng kasaysayan nito. Noong ika-18 siglo, naging isang panrehiyong kapangyarihang militar ito at lumawak ang impluwensya na aabot ang layo hanggang Silangang Aprika at Zanzibar.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads