Nampo
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Namp'o (opisyal na baybay sa Hilagang Korea: Nampho; pronounced [nam.pʰo]) ay isang lungsod at pantalang pandagat sa lalawigan ng Timog P'yŏngan, Hilagang Korea. Nakatayo ang Namp'o sa hilagang baybayin ng Ilog Taedong, 15 kilometro silangan ng bukana nito. Dati isa itong antas-lalawigan na "Direktang-Pinamumunuang Lungsod" ("Directly-Governed City" o "Chikhalsi") mula 1980 hanggang 2004, at itinakda na isang "Natatanging Lungsod" ("T'ŭkgŭpsi"; tŭkpyŏlsi; 특별시; 特別市) noong 2010 at ginawang bahagi ng lalawigan ng Timog P'yŏngan. Matatagpuan ang Namp'o mga 50 kilometro timog-kanluran ng P'yŏngyang, sa may bukana ng Ilog Taedong.
Dati isang maliit na nayong nangingisda ang Namp'o na naging isang pantalan para sa panlabas na kalakalan noong 1897, at umunlad na naging isang makabagong pantalan noong 1945 pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kalakip ng mabilis na pagdami sa pamumuhunan ng estado, lumaki ang kakayanan ng industriya ng lungsod. Ilan sa mga pasilidad pang-industriya ng lungsod ay ang Namp'o Smelter Complex, ang Namp'o Glass Corporation, ang Namp'o Shipbuilding Complex, ang Namp'o Fishery Complex, at ibang mga sentral at lokal na pagawaan. Isang sentro ng paggawa ng barko sa bansa ang Namp'o. Sa hilaga ng lungsod ay mga pasilidad para sa transportasyong pangkargamento, mga produkto na nabubuhay sa tubig, at palaisdaan, at isang pagawaan ng dagat-asin (sea salt). Ang mga mansanas na itinatanim sa distrito ng Ryonggang (룡강군) ay isang tanyag na lokal na produkto.[2][3]

Remove ads
Mga kapatid na lungsod
Tianjin, Tsina
Chiautempan, Mehiko
Sankt-Peterburg, Rusya
Tingnan din
- Talaan ng mga lungsod sa Hilagang Korea
- Heograpiya ng Hilagang Korea
Mga sanggunian
Mga karagdagang babasahin
Mga kawing panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads