Navotas

lungsod ng Pilipinas sa Kalakhang Maynila From Wikipedia, the free encyclopedia

Navotasmap
Remove ads

Ang Navotas, opisyal na Lungsod ng Navotas o Navotas City sa payak na katawagan, ay isang unang klaseng lungsod sa Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 252,878 sa may 63,167 na kabahayan.

Agarang impormasyon Navotasᜈᜊᜓᜆᜐ᜔ Lungsod ng Navotas, Bansa ...

Isang mahalagang komunidad ng palaisdaan ang Navotas. Nakasentro sa pagpapalaki ng isda ang karamihan sa mga kabuhayan ng mga residente dito. Nanghuhuli din ng mga isda ang ilan sa Look ng Maynila. Kilala ito sa kaniyang mga patis at bagoong at tinuturing na "Kapital sa Pangingisda ng Pilipinas." Nasa Navotas ang pinakamalaki at pinakamakabagong puwerto sa pangingisda sa Pilipinas, gayon din sa buong Timog-silangang Asya at pangatlong pinakamalaki sa Asya.

Bagamat itinatag ito noong 20 Disyembre 1827, ipinagdiriwang ng Navotas ang pagkakatatag nito tuwing Enero 16. Naging isang mataas na urbanisadong lungsod (highly urbanized city) ang Navotas noong 24 Hunyo 2007.[3]

Kabilang ang Navotas sa impormal na sub-rehiyon ng Kalakhang Maynila na CAMANAVA. Maliban sa Navotas, kabilang dito ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon, at Valenzuela. Inaakalang laging binabaha ang lugar na ito ngunit sa katotohanan dahil ito sa pagkati ng dagat, at ilan lamang mga barangay ang apektado hinggil sa mga proyekto na inumpisahan ng parehong lokal at pambansang pamahalaan. Polusyon at labis na populasyon ang ilan lamang sa mga suliranin na sinusubukang lutasin ng pamahalaan.

Remove ads

Kasaysayan

Nagsimula ang panawagan para sa paghihiwalay ng Navotas sa Tambobong (Malabon ngayon) na dating kinabilangan nito noong 20 Disyembre 1827. Noong 16 Pebrero 1859, sinama sa Navotas ang mga baryo ng San Jose at Bangculasi na dating nasa Malabon. Noong 1859 naging isang nagsasariling bayan ang Navotas. Sumama sa pamahalaang rebolusyonaryo ni Heneral Emilio Aguinaldo ang Navotas noong 6 Agosto 1898.

Isinama ang Navotas sa bagong-tatag na lalawigan ng Rizal ang Navotas noong 11 Hunyo 1901, alinsunod sa Batas Blg. 137. Sinanib muli ang Navotas sa Malabon noong 1904. Inihalal na presidente munisipal si Bernardo Dagala, isang katutubo ng Navotas. Sa pagpapatupad ng Batas Blg. 1442, muli naging isang nagsasariling bayan ang Navotas noong 16 Enero 1906. Naging lungsod ito noong 24 Hunyo 2006 sa bisa ng isang plebisito na nagpatibay ng Batas Republika Blg. 9387[4]

Ipinagdiwang ng lungsod ang sentenaryo nito noong 16 Enero 2006.

Remove ads

Heograpiya

Topograpiya

Isang baybaying lungsod ang Navotas na nasa hilagang-kanlurang bahagi ng Kalakhang Maynila. Sinasakop ng lungsod ang isang makipot na pahabang lupain na may humigit-kumulang 4.5 kilometro na kalipunang baybaying-dagat. Sa hilaga, kahati ng Navotas ang bayan ng Obando, Bulacan sa iisang hangganan, sa kahabaan ng Sapang Sukol na humihiwalay nito sa Isla Pulo. Tumatahak naman sa kahabaan ng silangang hangganan ang Ilog Binuangan, Ilog Daang Cawayan, Ilog Dampalit,

ng ng Bangculasi, Bambang ng Malabon, at ang Estero de Maypajo.

Hinahangganan ito ng Obando, Bulacan sa kahabaan ng Sapang Sukol sa hilaga; ng Lungsod ng Maynila sa timog; ng Malabon at Caloocan sa kahabaan ng Ilog Daang Binuangan, Bambang ng Bangculasi, Bambang ng Malabon, at Estero de Maypajo sa silangan; at Look ng Maynila sa kanluran.

Klima

Karagdagang impormasyon Datos ng klima para sa Navotas, Buwan ...

Mga barangay

Thumb
Mapang politikal ng Navotas.

Ang Navotas ay hinati sa 18 barangay. Itong mga barangay ay pinagsama-sama sa 2 distrito. Ibinukod bilang urbano ang lahat ng mga barangay magmula noong 31 Marso 2020.[6]

Karagdagang impormasyon Mga barangay ng Navotas, Pangasiwaan ...

Mga dating barangay

Hanggang sa taong 2018 may 14 na mga barangay ang Navotas.

Northbay Boulevard South

Sang-ayon sa Batas Republika Blg. 10933,[11] na inaproba ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 23 Agosto 2017 at pinagtibay sa isang plebisito noong 5 Enero 2018, hinati ang Northbay Boulevard South sa mga Barangay NBBS Kaunlaran, NBBS Dagat-dagatan, at NBBS Proper.[12][13]

Tangos

Sang-ayon sa Batas Republika Blg. 10934,[14] na inaproba ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 23 Agosto 2017 at pinagtibay sa isang plebisito noong 5 Enero 2018, hinati ang Tangos sa mga Barangay Tangos North at Tangos South.[12][13]

Tanza

Sinakop ng Barangay Tanza ang pinakahilagang bahagi ng lungsod, kabilang na ang Isla Pulo na nakahiwalay sa mismong lungsod, at pinaligiran ng mga Barangay Binuangan at Salambao sa Obando, Bulacan sa hilaga, Look ng Maynila at Barangay San Roque sa kanluran, Barangay Hulong Duhat at Dampalit, Malabon sa silangan, at Barangay Tangos sa timog.

Sang-ayon sa Batas Republika Blg. 10935,[15] na inaproba ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 23 Agosto 2017 at pinagtibay sa isang plebisito noong 5 Enero 2018, hinati ang Tanza sa mga Barangay Tanza 1 at Tanza 2.[12][13]

Remove ads

Demograpiko

Karagdagang impormasyon Taon, Pop. ...

Pamahalaan

Alkalde ng lungsod: Tobias Tiangco

Bise-Mayor: Clint Geronimo

Mga Konsehal:

Unang Distrito:

  1. Domingo L. Elape
  2. Richard S. San Juan
  3. Alfredo R. Vicencio
  4. Edgardo D. Manio
  5. Reynaldo A. Monroy
  6. Bernardo C. Nazal

Ikalawang Distrito:

  1. Ma. Lourdes S. Del Rosario-Tumangan
  2. Dan I. Ang
  3. Ronaldo D. Naval
  4. Arnel S. Lupisan
  5. Neil Cruz
  6. Carlito DR De Guzman, Jr.

Ex-officio Councilors:

  1. Lance Santiago (SK Federation President)
  2. George U. So (ABC President)

Kinatawan ng distrito: John Reynald M. Tiangco

Tala ng mga Alkalde: 1934 hanggang sa kasalukuyan

Karagdagang impormasyon Tala ng mga alkalde ng Navotas, # ...
Remove ads

Talababa

  1. Binabaybay ng opisyal na websayt ng Lungsod ng Navotas ang pangalan ng barangay bilang "Bangkulasi" (makikita rin ito sa eskudo de armas ng barangay na ipinapakita ng websayt), habang binabaybay ng Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas ang pangalan nito bilang "Bangculasi."
  2. Tumutukoy ang mga datos ng populasyon sa dating barangay ng Northbay Boulevard South, na hinati sa NBBS Dagat-dagatan, NBBS Kaunlaran, at NBBS Proper noong 2018.
  3. Tumutukoy ang mga datos ng populasyon sa dating barangay ng Tangos, na hinati sa Tangos North at Tangos South noong 2018.
  4. Tumutukoy ang mga datos ng populasyon sa dating barangay ng Tanza, na hinati sa Tanza 1 at Tanza 2 noong 2018.
Remove ads

Mga sanggunian

Mga Kawing Panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads