Nyurba

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang Nyurba (Ruso: Нюрба; Yakut: Ньурба, Nyurba IPA: [ɲuɾˈba]) ay isang lungsod at ang sentrong pampangasiwaan ng Distrito ng Nyurbinsky ng Republika ng Sakha, Rusya. Matatagouan ito sa Ilog Vilyuy, isang kanang sangang-ilog ng Ilog Lena, 846 kilometro (526 milya) hilagang-kanluran ng Yakutsk, ang kabisera ng republika. Ang populasyon nito (ayon sa Senso 2010) ay 10,157.[2]

Agarang impormasyon Nyurba Нюрба, Transkripsyong Iba ...

Pinaglilingkuran ang Nyurba ng Paliparan ng Nyurba IATA: NYR, ICAO: UENN at ng isang pantalan sa ilog.

Remove ads

Kasaysayan

Itinatag ito noong 1930, bagamat tinirahan na ang lugar mula noong kalagitnaan ng ika-18 dantaon. Noong dekada-1950, mabilis itong lumago bilang isang himpilan para sa panggagalugad ng kalapit na mga deposito ng diyamante. Ginawaran ito ng katayuang pampamayanang uring-urbano noong 1958, at ng katayuang panlungsod noong 1997.[1]

Demograpiya

Karagdagang impormasyon Taon, Pop. ...

Ekonomiya

Pangunahing industriya sa Nyurba ang paggawa ng mga diyamante, kapuwa bilang kinaroroonan ng isang pabrika na nagtatabas ng diyamante na pinapatakbo ng kompanyang ALROSA na pag-aari ng estado, at bilang isang bayang tagatustos ng kalapit na mga operasyon ng pagmimina.

Klima

Karagdagang impormasyon Datos ng klima para sa Nyurba, Buwan ...
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads