OS/2

From Wikipedia, the free encyclopedia

OS/2
Remove ads

Ang OS/2 ay isang pribadong operating system (sistemang pang-operasyon) para sa mga personal na kompyuter na nakabatay sa x86 at PowerPC. Nilikha ito at orihinal na binuo na magkatuwang ng IBM at Microsoft sa pamumuno ng tagadisenyo ng software ng IBM na si Ed Iacobucci,[1] bilang kapalit ng DOS. Inilabas ang unang bersyon noong 1987. Dahil sa alitan na nagsimula noong 1990, iniwan ng Microsoft ang proyekto at ipinagpatuloy ng IBM ang pag-unlad nito nang mag-isa. Noong 1996, inilunsad ang OS/2 Warp 4 bilang huling pangunahing bersyon. Kasunod nito, unti-unting huminto ang IBM sa pagpapaunlad ng OS/2 dahil hindi nito natalo ang Windows ng Microsoft sa merkado. Patuloy pa ring naglabas ang IBM ng mga pagbabago hanggang 2001.

Agarang impormasyon Gumawa, Sinulat sa ...

Ang pangalan nitong OS/2, pinaikling Operating System/2, ay ipinakilala kasabay ng Personal System/2 (PS/2) – ikalawang henerasyon ng mga PC mula sa IBM. Nilalayon ng OS/2 na palitan ang PC DOS gamit ang protected mode (modang nakaprotekta) na teknolohiya para sa Intel 80286 na processor. Hinalaw ang mga pangunahing system call (tawag sa sistema) mula sa MS-DOS – marami sa mga ito ay nagsisimula sa "Dos" at posible ring makalikha ng Family Mode (Modang Pampamilya) na mga text-mode application (aplikasyong naka-teksto) na gumagana sa parehong OS/2 at DOS.[2] Dahil dito, may ilang pagkakatulad ang OS/2 sa mga sistemang tulad ng Unix, Xenix, at Windows NT. Mas kilala ito sa mga kompyuter na naka-network na gamit sa mga negosyo at institusyong korporado.

Noong 1992, inilabas ang OS/2 2.0, ang unang 32-bit na bersyon, at ito rin ang kauna-unahang bersyong ganap na binuo ng IBM matapos tuluyang kumalas ang Microsoft bunga ng alitan sa kung paano ipoposisyon ang OS/2 kaugnay ng paglabas ng Windows 3.1.[3][4] Sa pamamagitan ng OS/2 Warp 3 noong 1994, tinangkang maabot ng IBM ang mga pangkaraniwang gumagamit sa tahanan sa tulong ng isang multi-milyong dolyar na kampanya sa pag-aanunsyo.[5] Gayunman, nahirapan pa rin ito sa merkado, na bahagi ay iniuugnay sa mga estratehikong hakbang ng Microsoft na itinuturing ng ilan bilang kontra kompetisyon.[6][7]

Kasunod ng kabiguan ng proyektong Workplace OS ng IBM, inilabas ang OS/2 Warp 4 bilang huling pangunahing bersyon noong 1996. Pormal na itinigil ng IBM ang suporta sa OS/2 noong Disyembre 31, 2006.[8] Mula noon, ang OS/2 ay patuloy na binuo, sinuportahan, at ipinagbili ng dalawang pribadong kumpanya sa ilalim ng lisensiya mula sa IBM – una ng Serenity Systems sa pangalang eComStation mula 2001 hanggang 2011,[9] at pagkatapos ay ng Arca Noae LLC sa ilalim ng pangalang ArcaOS simula 2017.[10][11][12]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads