PBA Philippine Cup

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Ang Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup ay isang turnamentong na hindi pinapayagan ang mga dayuhang manlalaro na maglaro. Bago ang Panahong 2004-05, ang turnamentong ito ay kilala bilang PBA All-Filipino Cup. Ang Philippine Cup ay kinukunsiderang pinaka prestihiyosong turnamento ng isang panahon ng PBA.

Agarang impormasyon Mga buwan na ginaganap, Itinatag ...

Ang kasalukuyang nagtatangol ng kampiyonato ay ang San Miguel Beermen.

Simula noong panahong 2006–07, ang Jun Bernardino Trophy ay ibinibigay sa mga nagkampiyon ng turnamentong ito. Ang tropeyo ay nagkakahalaga ng ₱500,000 at gawa sa 24-karat na gintong plate, na kung saan ito ay nasa posesyon ng nanalong koponan ng isang taon. Matapos nito ay bibigyan ang koponan ng replica ng tropeyo. Kung manalo ang isang koponan ng tatlong magkakasunod na Philippine Cup, magiging sa kanila na ang orihinal na tropeyo.[1] The trophy is named after former PBA commissioner Jun Bernardino.[2]

Sa kasaysayan ng liga, tanging ang San Miguel Beermen ang nakapagpanalo ng apat na sunod na All-Filipino conference na ginanap ng magkakasunod na taon (2014–15, 2015–16, 2016–17, 2017-18).

Lahat ng mga panahon ng PBA maliban noong 1981 at 1982 ay mayroong All-Filipino conference. Ang Panahong 1984 ay nagkaroon ng dalawang All-Filipino conference.

Remove ads

Talaan ng mga kampiyon

Bawat panahon

Thumb
Ang lumang disenyo ng All-Filipino Cup (kanan) na ginamit mula 1994 hanggang 2002 kasama ang FVR Centennial Trophy. Ang parehong tropeyo ay binigay sa nanalo ng 1998 All-Filipino Cup Finals.
  Nanalo ng tatlo o mahigit pang sunod na torneyo
  Nanalo ng dalawang sunod na torneyo
Karagdagang impormasyon Panahon, Kampiyon ...

* Dalawang turnamentong all-Filipino ang ginanap noong 1984.

Bawat prankisa

Karagdagang impormasyon Total, Koponan ...
* - Ang kampiyonatong All-Filipino noong 1975 at 1976 ay muling inuri bilang isang turnamentong may mga dayuhang manlalarosa kadahilanang binigyan ng pahintulot ng liga na magkaroon ng hindi Pilipinong manlalaro ang mga koponan.
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads