Pag-aakyat sa Langit kay Maria

Ang pag-akyat ni Birheng Maria sa Langit matapos ang kanyang buhay sa lupa From Wikipedia, the free encyclopedia

Pag-aakyat sa Langit kay Maria
Remove ads

Ang Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birhen Maria (Latin: Assumptio Beatae Mariae Virginis) ayon sa mga Kristiyanong paniniwala ng Simbahang Katolika, Simbahang Ortodoksa, Sinaunang Ortodoksiyang Silanganin at ilang pangkat ng Anglicanismo ay ang pag-aakyat sa kaluluwa't katawan ng Birhen Maria sa Langit sa pagtatapos ng kaniyang buhay sa lupa.

Agarang impormasyon Ang Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birhen, Ibang tawag ...

Itinuturo ng Simbahang Katolika ang dogma na ang Birhen Maria "pagkatapos ng kaniyang buhay sa lupa, ay maluwalhating iniakyat sa langit, katawan at kaluluwa". Ang doktrinang ito ay isinadogma at impalibleng ipinaliwanag ni Papa Pio XII noong 1 Nobyembre 1950 sa kaniyang Saligang Batas ng Papa Munificentissimus Deus (Ang Diyos na Sadyang Malawak ang Pagkamapagbigay). Bagaman ang Katolikong dogma ay nag-iiwan ng katanungan sa pagkamatay ni Maria bago iakyat sa Langit, sa tradisyong Ortodokso itinuturo ng Paghimlay ng Theotokos na namatay muna si Maria bago iniakyat sa Langit. Sa mga simbahang gumugunita nito, ang Pag-aakyat kay Maria ay isang pangunahing kapistahan, na karaniwang ipinagdiriwang tuwing Agosto 15. Sa maraming bansang Katoliko, ang kapistahan ay isa ring Pistang Pangilin.

Sa kaniyang homilIya noong 15 Agosto 2004 sa Lourdes, binanggit ni Papa Juan Pablo II ang Juan 14:3 na isa sa mga kasulatang batayan upang maunawaan ang dogma ng Pag-aakyat kay Maria. Sa talatang ito, sinabi ni Hesus sa kanyang mga disipulo sa Huling Hapunan, “At kapag naipaghanda ko na kayo ng matitirhan, ako'y babalik at isasama ko kayo upang kayo'y makapiling ko kung saan ako naroroon.” Ayon sa teolohiyang Katoliko, nagkaroon ng katuparan ang pangako ni Kristo sa katauhan ni Maria.

Ang kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit tuwing Agosto 15 ay pista opisyal sa maraming bansa, gaya ng Austria, Belgium, Chile, Colombia, Ecuador, Espanya, France, Germany (Saarland at Bavaria lamang), Greece, Lebanon, Lithuania, Italya, Malta, Mauritius, Poland, Portugal, at Senegal. Sa mga simbahang Ortodoksa na sumusunod sa Kalendaryong Juliano, ang kapistahan ng Pag-aakyat kay Maria sa natatapat sa Agosto 28.

Mariing tinutulan ito ng iba’t ibang pangkating panrelihiyon lalong-lalo na ng samahan ni Bro. Eli Soriano dahil sa kawalan ng batayan nito sa Bibliya. Ang pag-akyat ni Maria sa langit, koronahan at italagang reyna ay gawa-gawa lamang at walang malalim na basehan.[3] Depensa naman ng Iglesia Katolika Apostolika Romana na hindi man makita sa aklat ng Bibliya ay nakuha naman sa sali’t saling sabing tinatawag na Tradisyon. Ani ng mga pari ay hindi lahat ng aral ay nakasalig lamang sa aklat at maaari ding makuha sa ikalawa’t ikatlong saksi.[4]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads