Pagpapasya
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Sa sikolohiya, ang pagpapasya (Ingles: decision making) ay maituturing bilang isang prosesong kognitibo na nagreresulta sa pagpili ng isang paniniwala o kurso ng kilos mula sa ilang mga kapalit o alternatibong mga eksena. Bawat proseso ng pagdesisyon ay nakagagawa ng isang huli o hindi na mababago pang pagpili,[1] na maari o hindi maaring may maagap na aksiyon. Ang kinalabasan ay maaaring isang galaw o aksiyon o kaya isang napiling opinyon.

Maaring makatuwiran o hindi makatuwiran ang paggawa ng pasya. Isang proseso ng pangangatuwiran ang proseso ng pagpapasya na nakabatay sa pagpapalagay ng pagpapahalaga, kagustuhan, at paniniwala ng gumawa ng pasya[2] Nakalathala din ang pananaliksik tungkol sa paggawa ng desisyon sa ilalim ng markang paglutas ng suliranin, partikular sa pananaliksik pangsikolohiya sa Europa.[3]
Remove ads
Pangkalahatang ideya
Itinuturing ang pagpapasya bilang isang aktibidad sa paglutas ng suliranin na nagdudulot ng isang solusyon na ipinapalagay na pinakamainam, o kaya'y kasiya-siya man lamang. Samakatuwid, isa itong proseso na humigit-kumulang makatuwiran o hind makatuwiran at nakabatay sa tahasan o hindi ipinapahayag na kaalaman at mga paniniwala. Kadalasang ginagamit ang hindi ipinapahayag na kaalaman upang punan ang mga puwang sa komplikadong mga proseso ng paggawa ng desisyon.[4] Kadalasan, ang parehong uri ng kaalaman na mga ito, ang hindi ipinapahayag at tahasan, ay ginagamit ng magkasama sa proseso ng pagdedesisyon.
Sumailalim ang pagsasagawa ng tao sa aktibong pananaliksik mula sa ilang pananaw:
- Pangsikolohiya: sinusuri ang indibiduwal na mga pasya sa konteksto ng isang grupo ng mga pangangailangan, kagustuhan, at pagpapahalaga na mayroon o hinahanap ng indibiduwal.
- Kognitibo: itinuturing ang proseso ng pagpapasya bilang isang patuloy na proseso ng nakasama sa interkasyon sa kapaligiran.
- Normatibo: ang pagsusuri ng indibiduwal na mga desisyon na may kaugnayan sa lohika ng pagpapasya, o komunikatibong rasyonalidad, at ang hindi nagbabagong pagpili na hahantungan nito.[5]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads