Pagsasalita

From Wikipedia, the free encyclopedia

Pagsasalita
Remove ads

Ang pagsasalita ay isang komunikasyon na ginagawa sa pamamagitan ng boses ng tao gamit ang wika. Gumagamit ang bawat wika ng ponetiko na kombinasyon ng mga patinig at katinig na tunog na bumubuo sa tunog ng mga salita nito (iyon ay, lahat ng salitang Ingles ay iba ang tunog sa lahat ng salitang Pranses, kahit na ang mga ito ay iisang salita, hal., "role" o "hotel"), at paggamit ng mga salitang iyon sa kanilang semantikong katangian bilang mga salita sa leksiko ng isang wika ayon sa mga paghihigpit na sintaktiko na namamahala sa paggana ng mga leksikal na salita sa isang pangungusap. Sa pagsasalita, isinasagawa ng mga nagsasalita ang maraming iba't ibang sinasadyang mga kilos sa pagsasalita, hal., pagbibigay-alam, pagpapahayag, pagtatanong, paghihikayat, pagdidirekta, at maaaring gumamit ng pagbigkas, intonasyon, antas ng lakas, tempo, at iba pang di-pangrepresentasyon o paralinggwistiko na aspeto ng bokalisasyon upang ihatid ang kahulugan. Sa kanilang pagsasalita, hindi sinasadyang ipahayag ng mga nagsasalita ang maraming aspeto ng kanilang posisyon sa lipunan tulad ng kasarian, edad, lugar ng pinagmulan (sa pamamagitan ng impit o punto), pisikal na estado (pagkaalerto at pagkaantok, sigla o kahinaan, kalusugan o sakit), sikolohikal na estado (emosyon o gana), katayuang pisiko-sikolohikal (katimpian o pagkalasing, normal na kamalayan at katayuan ng kawalan ng ulirat), edukasyon o karanasan, at mga katulad nito.

Ang produksyon ng pagsasalita ay nakikita ng MRI sa aktuwal-na-oras

Pinag-aaralan ng mga mananaliksik ang maraming iba't ibang aspeto ng pagsasalita: pagsasagawa ng pagsasalita at persepsyon ng pagsasalita ng mga tunog na ginagamit sa isang wika, pag-uulit ng pagsasalita, mga pagkakamali sa pagsasalita, ang kakayahang imapa ang mga narinig na binibigkas na salita sa mga bokalisasyon na kailangan upang muling likhain ang mga ito, na gumaganap ng mahalagang papel sa mga bata sa pagpapalawak ng kanilang bokabularyo, at kung ano ang iba't ibang bahagi ng utak ng tao, tulad ng lugar ni Broca at lugar ni Wernicke, ang pinagbabatayan ng pagsasalita. Isang paksang pinag-aaralan ang pagsasalita sa lingguwistika, agham pangkognitibo, araling pangkomunikasyon, sikolohiya, agham pangkompyuer, patolohiyang pananalita, otorrinolaringolohiya, at akustika. Inihahambing ang pagsasalita sa nakasulat na wika,[1] na maaaring magkaiba sa bokabularyo, sintaksis, at ponetika nito mula sa sinasalitang wika, isang sitwasyong tinatawag na diglosya.

Remove ads

Ebolusyon

Bagama't nauugnay sa mas pangkalahatang problema ng pinagmulan ng wika, ang ebolusyon ng mga natatanging kakayahan ng tao sa pagsasalita ay naging kakaiba at sa maraming paraan ay hiwalay na larangan ng siyentipikong pananaliksik.[2][3][4][5][6] Ang paksa ay hiwalay dahil ang wika ay hindi kinakailangang binibigkas: maaari itong pantay na isulat o isenyas. Opsyonal ang pagsasalita sa kahulugang ito, bagama't ito ang nauunang modalidad para sa wika.

Ang mga unggoy, bakulaw at mga tao, tulad ng maraming iba pang mga hayop, ay nag-ebolusyon ng mga espesyal na mekanismo para sa paggawa ng tunog para sa mga layunin ng komunikasyong panlipunan.[7] Sa kabilang banda, walang unggoy o bakulaw ang gumagamit ng dila nito para sa gayong mga layunin.[8][9] Ang wala pang nakakagawang paggamit ng dila, labi at iba pang mga nagagalaw na bahagi ng mga tao ay tila naglalagay ng pagsasalita sa isang medyo hiwalay na kategorya, na ginagawang ang ebolusyonaryong paglitaw nito na isang nakakaintrigang na teoretikal na hamon sa mata ng maraming iskolar.[10]

Remove ads

Pag-unlad

Karamihan nagkakaroon ang mga batang tao ng mga maagang pananalita na pagngawa o pagdaldal kapag nasa apat hanggang anim na buwang gulang sila. Karamihan ay magsisimulang sabihin ang kanilang mga unang salita sa isang punto sa unang taon ng buhay. Umuunlad ang pagsasalita ng mga karaniwang bata sa pamamagitan ng dalawa o tatlong pariralang salita bago ang tatlong taong gulang na sinusundan ng mga maikling pangungusap sa pagdating ng apat na taong gulang.[11]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads