Palestinian Liberation Organization
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Palestine Liberation Organization (PLO) o "Samahan ng Pagpapalaya sa Palestina" (Arabo: منظمة التحرير الفلسطينية; ⓘ) ay isang organisasyon na nilikha noong 1964 na may layuning makalikha ng isang nagsasariling Estado ng Palestina.
Remove ads
Kasaysayan
Kinikilala ito ng Mga Nagkakaisang Bansa at ng mahigit sa 100 mga estado may kaugnayang pangdiplomasya rito bilang nag-iisang tunay na kinatawan ng mga taong Palestino,[1] at nagtamasa ng estado bilang tagapag-obserba o tagapagmasid sa Mga Nagkakaisang Bansa magmula pa noong 1974.[2] Ang PLO ay itinuturing ng Estados Unidos at ng Israel bilang isang organisasyong terorista hanggang sa pagsapit ng Kumperensiya sa Madrid noong 1991. Noong 1993, kinilala ng PLO ang karapatang umiral nang mapayapa ng Israel; tinanggap din nito ang mga resolusyon ng Konseho ng Seguridad ng Mga Nagkakaisang Bansa bilang 242 at 338, at tinanggihan nito ang panggugulo (biyolensiya) at terorismo; bilang pagtugon, opisyal na kinilala ng Israel ang PLO bilang kinatawan ng mga Palestino.[3]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads