Paliparang Suvarnabhumi
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Paliparang Suvarnabhumi (Thai: ท่าอากาศยานสุวรรณภูมิ, RTGS: Tha-akatsayan Suwannaphum, binibigkas [tʰâː.ʔāː.kàːt̚.sā.jāːn.sùʔ.wān.nā.pʰūːm] ( pakinggan);[1] mula sa Sanskritong सुवर्णभूमि (Suvarṇabhūmi), literal na 'ginintuang lupain') (IATA: BKK, ICAO: VTBS), na kilala rin na hindi opisyal bilang Paliparang Bangkok,[2][3] ay isa sa dalawang paliparang pandaigdig na nagsisilbi sa Kalakhang Rehiyon ng Bangkok, ang isa ay Paliparang Pandaigdig ng Don Mueang (DMK), na nananatiling bukas bilang isang pusod ng mas murang tagapaghatid.[4][5] Sakop ng Paliparang Suvarnabhumi ang isang lugar na 3,240 ektarya (32.4 km2; 8,000 akre), na ginagawa itong isa sa pinakamalaking pandaigdigang paliparan sa Timog-silangang Asya at isang rehiyonal na pusod para sa pagpapalipad. Ang paliparan ay isa ring pangunahing Pusod ng Kargamentong Panghimpapawid (ika-20 pinaka-abalang sa 2019), na may itinalagang Airport Free Zone, pati na rin ang mga ugnayan sa kalsada patungo sa Silangang Ekonomikong Koredor (EEC) sa Motorway 7.[6]
Remove ads
Etimolohiya
Ang pangalang Suvarnabhumi ay Sanskrito para sa 'ginintuang lupain' (Devanagari: सुवर्णभूमि IAST: Suvarṇabhūmi; Suvarṇabhūmi; Suvarṇa[7] ay 'ginto', Bhūmi[8] ay 'lupa'; literal na 'ginintuang lupain'). Ang pangalan ay pinili ng yumaong Haring Bhumibol Adulyadej na ang pangalan ay kinabibilangan ng Bhūmi, na tumutukoy sa Budista ginintuang kaharian, na inaakalang nasa silangan ng Ganges, posibleng sa isang lugar sa Timog-silangang Asya. Sa Taylandiya, iginigiit ng mga proklamasyon ng pamahalaan at mga pambansang museo na ang Suvarnabhumi ay nasa isang lugar sa baybayin ng gitnang kapatagan, malapit sa sinaunang lungsod ng U Thong, na maaaring pinagmulan ng kulturang Indianisadong Dvaravati.[9] Bagaman hindi pa napatunayan ang mga pag-aangkin, pinangalanan ng gobyerno ng Taylandita ang bagong paliparan ng Bangkok na Paliparang Suvarnabhumi, bilang pagpupugay sa tradisyong ito.

Remove ads
Kasaysayan
Ang paliparan ay kasalukuyang pangunahing pusod para sa Thai Airways International, Thai Smile, at Bangkok Airways, gayundin ang operasyong base para sa Thai Vietjet Air, Thai AirAsia, at Thai AirAsia X. Ito rin ay nagsisilbing rehiyonal na tarangkahan para sa iba't ibang dayuhang tagapagdala na kumukonekta sa Asya, Oceania, Europa, at Africa.
Ang Suvarnabhumi ay opisyal na binuksan para sa limitadong pambansang lipad noong Setyembre 15, 2006, at binuksan para sa karamihan ng pambansa at lahat ng pandaigdigang komersiyal na lipad noong Setyembre 28, 2006.[10]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads