Panama

From Wikipedia, the free encyclopedia

Panama
Remove ads

Ang Panama ( /ˈpænəmɑː/ PAN-ə-mah, /θjpænəˈmɑː/ pan-ə-MAH; Espanyol: Panamá IPA: [panaˈma]  ( makinig)), opisyal bilang ang Republika ng Panama (Espanyol: República de Panamá), ay isang bansang transkontinental na sinasaklaw ang gitnang bahagi[8] ng Hilagang Amerika at ang hilagang bahagi ng Timog Amerika. Napapaligiran ito ng Costa Rica sa kanluran, Colombia sa timog-silangan, ang Dagat Karibe sa hilaga, at ang Karagatang Pasipiko sa timog. Ang Lungsod ng Panama ang pinakamalaking lungsod at ang kabisera nito, na isang kalakhang lugar na tahanan ng halos kalahati ng 4 milyong tao ng bansa. [9][10]

Agarang impormasyon Republika ng PanamaRepública de Panamá (Espanyol), Kabisera at pinakamalaking lungsod ...

Pinanirahan ang Panama ng mga liping katutubo bago naging kolonya ng mga Kastila na dumating noong ika-16 na dantaon. Kumalas sila sa Espanya noong 1821 at umanib sa Republika ng Gran Colombia, isang unyon ng Nueva Granada, Ecuador, at Venezuela. Pagkatapos mabuwag ang Gran Colombia noong 1831, naging Republika ng Colombia ang Panama at Nueva Granada sa kalaunan. Sa suporta ng Estados Unidos, humiwalay ang Panama mula sa Colombia noong 1903, na pinahintulot ang konstruksyon ng Kanal ng Panama upang makumpleto ng Hukbong Pulutong ng mga Inhinyero ng Estados Unidos sa pagitan ng 1904 at 1914. Napagkasunduan sa mga Kasunduang Torrijos–Carter noong 1977 na ilipat ang kontrol ng kanal mula Estados Unidos tungong Panama noong Disyembre 31, 1999.[1] Unang binalik ang palibot na teritoryo noong 1979.[11]

Ang kita mula sa mga bayad o toll sa kanal ay patuloy na kinakatawan ang isang mahalagang bahagi ng GDP ng Panama, bagaman, pangunahin at lumalago ang mga sektor ng komersyo, pagbabangko, at turismo. Tinuturing itong bilang isang ekonomiya na may mataas na kita.[12] Noong 2019, nakaranggo ang Panama sa ika-57 sa mundo sa Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao.[7] Noong 2018, nakaranggo ang Panama sa ikapitong pinakakompetitibong ekonomiya sa Latinong Amerika, sang-ayon sa Pandaidigang Indeks sa Pagiging Kompetitibo ng Porong Ekonomiko ng Mundo (World Economic Forum's Global Competitiveness Index).[13] Tahanan ang mga gubat, na tinatakpan ang mga 40 bahagdan ng sukat ng lupain ng Panama, ng saganang tropikal na mga halaman at hayop – ilan sa kanila ay hindi natatagpuan saanman sa daigdig.[14] Isang kasaping nagtatag ng Mga Nagkakaisang Bansa ang Panama, at ibang samahang internasyunal tulad ng OAS, LAIA, G77, WHO, at NAM.

Remove ads

Mga paghahating administratibo

Thumb
Bocas
del Toro
Coclé
Colón
Chiriquí
Darién
Herrera
Los Santos
Panamá
Oeste
Panamá
Veraguas
Guna Yala
Emberá
Emberá
Naso
Tjër Di
Ngäbe-Buglé
Madugandí
Wargandí

Nahahati ang Panama sa sampung lalawigan na may kani-kaniyang lokal na mga awtoridad (mga gobernador). Nahahati ang bawat isa sa mga distrito at mga corregimiento (kabayanan). Dagdag dito, mayroon din limang Comarcas (literal: "mga kaunti") na pinaninirahan ng iba't ibang mga pangkat katutubo.

Mga lalawigan

  • Bocas del Toro
  • Chiriquí
  • Coclé
  • Colón
  • Darién
  • Herrera
  • Los Santos
  • Panamá
  • Kanlurang Panamá
  • Veraguas

Mga Comarcas

  • Emberá
  • Guna Yala
  • Naso Tjër Di
  • Ngäbe-Buglé
  • Kuna de Madugandí
  • Kuna de Wargandí
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads