Pandora

From Wikipedia, the free encyclopedia

Pandora
Remove ads

Ayon sa mitolohiyang Griyego, si Pandora ang unang babaeng tao. Sa pag-uutos ni Zeus, nilikha siya ni Hephaestus mula sa paghubog sa putik.[1] Siya ang paksa ng salaysaying Kahon ni Pandora.

Thumb
Si Pandora.

Pangalan

Nangangahulugan ang kanyang pangalan ng "handog ng lahat ng mga diyos", dahil nagbigay ang bawat isa sa mga diyos at diyosa ng Bundok ng Olimpo ng kanilang mga ambag sa paglikha kay Pandora.[1] Kilala rin siya bilang Anesidora, na may ibig sabihing "babaeng nakapagdudulot ng pagbibigay ng mga handog".[2]

Paglikha kay Pandora

Dahil sa paglikha ni Prometeus sa taong lalaki bilang kamukha ng mga diyos, iniutos ni Zeus ang paglikha sa lipi ng mga kababaihan, sa pangunguna ni Pandora. Pagkaraan mahubog siya ni Hephaestus mula sa tinubigang lupa o putik, hiningahan siya ng buhay ni Athena. Si Athena rin ang nagbigay ng kasuotan o damit kay Pandora. Nagmula sa mga diyos na tinatawag na Mga Kawang-gawa (tinatawag ding Karidad, Karitas, o Obras-Pias) ang kanyang mga alahas. Dahil sa kagagawan ni Zeus, nabigyan ni Hermes si Pandora ng kakayahang sa panlalansi, pagkatuso, at pagsisinungaling.[1]

Remove ads

Kahon ni Pandora

Batay sa mitolohiyang Griyego, binigyan si Pandora ni Zeus ng isang ginintuang kahon (malaking taguan o imbakang garapon o pithos sa orihinal na bersyon[3]; naging kahon, kaskete o estutse sa ibang mga bersyon) at inutusang huwag itong bubuksan. Subalit dahil sa kagustuhan ni Pandorang malaman kung ano ang laman ng kahon, sinilip niya ng isang ulit ang loob nito. Dahil dito, nakawala ang lahat ng mga uri ng kasamaan palabas sa paligid ng mundo. Ngunit nagawa niyang maipinid ang takip ng kahon upang masagip ang pag-asa, ang nag-iisang mabuting bagay na natirang nakapaloob sa kahon ni Pandora.[1]

Tingnan din

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads