Panggitnang Liwasan
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Panggitnang Liwasan (Central Park sa Ingles o Pangunahing Liwasan sa pagsasalinwika) ay isang pampublikong liwasan na nasa gitna ng Manhattan ng Lungsod ng New York, Estados Unidos. Unang nagbukas ang mga pintuan ng parke noong 1857, sa 843 mga hektarya (3.41 km2) ng lupaing pag-aari ng lungsod. Noong 1858, nagwagi sina Frederick Law Olmsted at Calvert Vaux sa isang paligsahang pangdisenyo upang painamin at palawakin ang liwasan sa pamamagitan ng isang planong pinamagatan nila bilang Planong Greensward. Nagsimula ang pagawain noong taon ding iyon, nagpatuloy habang nagaganap ang Amerikanong Digmaang Sibil, at nabuo noong 1873.
Naitalaga bilang isang Pambansang Makasaysayang Palatandaang Pook noong 1962, ang liwasan ay kasalukuyang pinamamahalaan ng Konserbansiya ng Parke Sentral sa ilalim ng kontrata ng pamahalaan ng lungsod. Ang Konserbansiya isang organisasyong hindi nakikinabang na nag-aambag ng 83.5% sa $37.5 milyong dolyar na taunang puhunan ng Central Park, at nagpapahanapbuhay ng 80.7% ng tauhang pampapanatili ng liwasan.[4]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads