Parma

From Wikipedia, the free encyclopedia

Parmamap
Remove ads

Ang Parma (bigkas sa Italyano: [ˈParma]; Emiliano: Pärma) ay isang lungsod at kabesera ng lalawigan ng Parma sa hilagang rehiyon ng Italya ng Emilia-Romaña na tanyag sa arkitektura, musika, sining, prosciutto (hamon), keso, at mga nakapalibot na kanayunan. May populasyon na 198,292, ang Parma ay ang pangalawang pinakamataong lungsod sa Emilia-Romaña pagkatapos ng Bolonia, ang kabesera ng rehiyon. Ang lungsod ay tahanan ng Pamantasan ng Parma, isa sa pinakamatandang unibersidad sa buong mundo. Ang Parma ay nahahati sa dalawang bahagi ng isang sapang may kaparehong pangalan. Ang distrito sa dulong bahagi ng ilog ay Oltretorrente. Ang pangalan ng Parma na Etrusko ay inangkop ng mga Romano upang ilarawan ang bilog na kalasag na tinatawag na Parma.

Agarang impormasyon Parma Pärma (Emilian), Bansa ...

Isinulat ng makatang Italyanong si Attilio Bertolucci (ipinanganak sa isang nayon sa kanayunan) na: "Bilang isang kabeserang lungsod kailangan itong magkaroon ng ilog. Bilang isang maliit na kabesera, nagkaroon ito ng isang sapa, na kung saan ay madalas na tuyo".

Remove ads

Mga frazione

Ang comune (komuna o munisipalidad) ng Parma ay nahahati sa ilang mga frazione: Alberi, Baganzola, Bedonia, Beneceto, Borgo Val di Taro, Botteghino, Ca'Terzi, Calestano, Carignano, Carpaneto, Cartiera, Casalbaroncolo, Casalora di Ravadese, Casaltone, Case Capelli, Case Cocconi, Case Crostolo, Case Nuove, Case Rosse, Case Vecchie, Casino dalla Rosa, Casagnola, Castelletto, Castelnovo, Cervara, Chiozzola, Coloreto, Colorno, Corcagnano, Eia, Fontanini, Fontanellato, Gaione, Ghiaiata Nuova, Il Moro, La Catena, La Palazzina, Malandriano, Marano, Marore, Martorano, Molino di Malandriano, Osteria San Martino, Panocchia, Paradigna, Pedrignano, Pilastrello, Pizzolese, Ponte, Porporano, Pozzetto Piccolo, Quercioli, Ravadese, Ronco Pascolo, Rosa, San Pancrazio, San Prospero, San Ruffino, San Secondo, Sissa, Soragna, Terenzo, Tizzano Val Parma, Traversetolo, Trecasali, Valera, Viarolo, Viazza, Vicofertile, Vicomero, Vigatto, Vigheffio, Vigolante.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads