Penomenong phi
Ilusyon ng paggalaw ng mga larawang mabilis na ipinapakita From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Sa pinakasimpleng kahulugan, ang penomenong phi (alt. penomenang phi)[a] ay ang ilusyon ng paggalaw na nakikita o naoobserbahan kung may dalawang magkalapit na bagay ang ipinapakita nang may kabilisan. Kumpara sa paggalaw na beta, na tumutukoy naman sa parehong ilusyon ngunit may kabagalan, ang mga bagay na ito ay hindi gumagalaw (hindi umaalis sa puwesto). May nakikitang nakakalat at mala-aninong bagay na walang hugis na "tumatalon" sa mga bagay at panandaliang humaharang sa mga ito. Parehas ang kulay ng "aninong" ito sa kulay ng likuran.[1] Una itong inilarawan ni Max Wertheimer sa kanyang tisis noong 1912.[2]

Ang penomenong ito, pati ng paggalaw na beta, ay ang itinuturong dahilan kung bakit "gumagalaw" ang mga larawan sa pelikula at animasyon.[3] Ginamit ni Wertheimer ang katagang "φ-Phänomen" (penomenong φ) para tukuyin ang lahat ng klase ng ilusyon ng paggalaw sa kanyang tisis noong 1912, kung saan tinawag niya ang paggalaw na walang bagay bilang mga "reines φ." (purong φ).[b][2] Gayunpaman, itinuturing ng ilang mga komentarista na rinereserba niya ang Griyegong titik na φ para sa paggalaw na "puro at walang bagay."[4][5]
Remove ads
Talababa
- Orihinal na teksto: Auch bei wirklicher Bewegung ist sehr oft nicht das raum-zeit-kontinuierliche der visuellen Zwischenlagen, sondern ein reines φ-Phänomen gegeben: man sieht z. [Kahit sa totoong paggalaw, ang tuloy-tuloy na oras-espasyo (spacetime) ay ang mga biswal na patong (layer) malapit rito, ngunit sa purong penomenong φ, nakikita ang [aksis na] z.]
Remove ads
Sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads