Pingol

From Wikipedia, the free encyclopedia

Pingol
Remove ads

Ang pingol o paypay ng tainga (Ingles: earlobe) ay binubuo ng makunat o maganit na areolar at matatabang mga himaymay na nag-uugnay, na nagkukulang ng katatagan at pagkalastiko ng natitirang bahagi ng pina. Dahil ang pingol ay hindi naglalaman ng butong-mura o kartilehiyo, mayroon itong isang malaking dami ng pagtutustos ng dugo at maaring makatulong sa pagpapa-init ng mga tainga at pagpapanatili ng balanse o paninimbang. Subalit ang mga pingol ng mga tainga ay hindi pangkalahatang itinuturing na mayroong anumang pangunahing tungkulin pambuhaynan.[1] Ang pingol ay naglalaman ng maraming mga dulo ng nerbiyo, at para sa ilang mga tao ito ay isang sonang erohenosa. Ang pingol ang karaniwang bahagi ng tainga na napipingot kapag napipingol ang tainga.

Agarang impormasyon Mga detalye, Latin ...
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads