Plesiadapis

From Wikipedia, the free encyclopedia

Plesiadapis
Remove ads

Ang Plesiadapis ang isa sa pinakamatandang alam na tulad ng primadong espesye ng mamalya na umiral mga 58 hanggang 55 milyong taon ang nakalilipas sa Hilagang Amerika at Europa.[2]

Agarang impormasyon Klasipikasyong pang-agham, Tipo ng espesye ...
Thumb
Restorasyon
Remove ads

Mga pinagmulan at pagkakatuklas

Ang unang pagkakatuklas ng Plesiadapis ay ginawa ni François Louis Paul Gervaise noong 1877 na unang nakatuklas ng Plesiadapis tricuspidens sa Pransiya. Ang uring specimen ay MNHN Crl-16 at isang kaliwang mandibular na pragmentong may petsang Simula ng Eoseno. Ang henus na ito ay malamang na lumitaw sa Hilagang Amerika at nag-kolonisa sa Europa sa isang tulay na lupain sa pamamagitan ng Greenland. Sa kasaganaan ng henus na ito at sa mabilis nitong ebolusyon, ang espesyeng Plesiadapis ay gumampan ng isang mahalagang papel sa sonasyon ng Huling Paleoseno at sa korelasyon ng mga fauna sa parehong mga panig ng Atlantiko. Ang dalawang kahanga-hangang mga kalansay ng Plesiadapis na ang isa rito ay halos kumpleto ay natuklasan sa mga deposito ng ilog sa Menta, Pransiya.[2] Bagaman ang preserbasyon ng mga matitigas na bahagi ay mababa, ang mga kalansay na ito ay nagpapakita pa rin ng mga labi ng balat at buhok bilang isang film na karbonaseyoso(carbonaceous) na walang katulad sa mga mamalya sa panahong Paleoseno. Ang mga detalye ng buto ay mahusay na napreserba sa mga fossil mula sa Cernay, Pransiya kung saan ang Plesiadapis ang isa sa pinaka-karaniwang mga mamalya.

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads