Posisyong papel
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang isang posisyong papel[1][2] ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.
Ang balangkas ng isang posisyong papel ay mula sa pinakapayak tulad ng isang liham sa patnugot hanggang sa pinakamagusot tulad ng isang akademikong posisyong papel.[3] Ginagamit rin ng malalaking organisasyon ang mga posisyong papel upang isapubliko ang kanilang mga opisyal na pananaw at ng kanilang mga mungkahi.[4]
Remove ads
Sa Akademya
Nagbibigay daan ang mga posisyong papel sa akademya upang talakayin ang mga umuusbong na paksa nang walang eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik na karaniwang makikita sa isang akademikong pagsulat. Karaniwan, pinagtitibay ng isang dokumento ang mga kuro-kuro o mga posisyong inihirap gamit ang ebidensiya mula sa malawak at obhetibong talakayan ng naturang paksa.
Sa Pulitika
Pinakakapaki-pakinabang ang mga posisyong papel sa konteksto kung saan mahalagang nakadetalye ang pag-unawa ng pananaw ng isang entidad; sa gayon, karaniwan itong ginagamit sa mga kampanya,[5] organisasyong pampamahalaan,[6] sa mundo ng diplomasya,[7] at sa mga pagsisikap baguhin ang mga kuro-kuro (e.g. sa pamamagitan ng pamamathala ng lingkurang bayan) at branding ng mga organisasyon.[8] Mahalaga itong bahagi ng proseso ng Model United Nations.[9]
Sa pamahalaan, ang posisyong papel ay nasa pagitan ng white paper at green paper kung saan kinakatigan nila ang mga tiyak na opinyon at nagmumungkahi ng mga solusyon ngunit hindi umaabot sa pagdedetalye ng planong kung paano ipapatupad nito.
Remove ads
Sa Batas
Sa pandaigdigang batas, ang terminolohiyang ginagamit para sa isang posisyong papel ay Aide-mémoire. Ang isang aide-Mémoire ay isang memorandum na naglalahad ng mga maliliit na punto ng isang iminumungkahing talakayan o di-pinagsasang-ayunan, na ginagamit lalo na sa mga di-diplomatikong komunikasyon.
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads