Post-traumatic stress disorder
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Posttraumatic stress na sakit (PTSD)[note 1] ay isang sakit sa pag-iisip na maaaring mabuo makalipas malantad ang tao sa traumatic na kaganapan, tulad ng seksuwal na asulto, digmaan, mga banggaan sa trapiko, o mga ibang banta sa buhay ng tao.[1] Maaaring kasama sa mga sintomas ang mga nakakagambalang iniisip, pakiramdam, o mga panaginip na kaugnay ang mga kaganapan, mental o pisikal na pagkabahala sa mga kaugnay-ng trauma na hudyat, mga pagtangkang iwasan ang mga kaugnay-ng trauma na hudyad, mga pagbabago kung ano ang naiisip at nararamdaman ng tao at pagdami ng tugon na pakikipagaway-o-paglalayas.[1][3] Nagtatagal ang mga sintomas na ito ng mahigit sa isang buwan makalipas ang kaganapan.[1] Mas hindi nagpapakita ng pagkabahala ang mga batang bata, ngunit sa halip ay maaaring ipahiwatig ang mga alaala nila sa pamamagitan ng paglalaro.[1] Ang taong may PTSD ay nasa mas mataas na peligro sa pagpapakamatay at sadyang pananakit ng sarili.[2][6]
![]() | Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Karamihan ng mga taong nakaranas ng traumatic na kaganapan ay hindi magkakaroon ng PTSD.[2] Ang mga taong nakaranas ng interpersonal na trauma (halimbawa panggagahasa o pang-aabuso sa bata) ay mas malamang magkaroon ng PTSD, kumpara sa mga taong nakaranas ng hindi-batay sa asulto na trauma, tulad ng mga aksidente at natural na sakuna.[7] Halos kalahati ng mga tao ay nagkakaroon ng PTSD kasunod ng panggagahasa.[2] Ang mga bata ay mas hindi malamang kaysa sa mga adult na magkaroon ng PTSD makalipas ang trauma, lalo na kung mas bata pa sila sa 10 taong gulang.[8] Ang diyagnosis ay batay sa pagkakaroon ng mga partikular na sintomas kasunod ng traumatic na kaganapan.[2]
Maaaring posible ang prebensiyon kapag therapy ay itutuon sa mga may maagang sintomas ngunit hindi mabisa kapag nilaan sa lahat ng mga indibiduwal mayroon man o walang mga sintomas.[2] Ang mga pangunahing paggamot sa mga taong may PTSD ay ang pagpapayo at medikasyon.[3] Maaaring may ilang magkakaibang klase ng therapy na kapaki-pakinabang.[9] Maaaring maganap ito bilang one-on-one o sa isang pangkat.[3] Ang mga antidepressant ng klaseng selective serotonin reuptake inhibitor ay ang unang medikasyon para sa PTSD at magreresulta sa benepisyo sa halos kalahati ng mga tao.[4] Ang mga benepisyong ito ay mas kaunti sa mga natingnan sa therapy.[2] Hindi malinaw kung ang paggamit ng mga medikasyon at therapy nang magkasama ay mas higit ang benepisyo.[2][10] Ang mga ibang medikasyon ay walang sapat na katibayan para suportahan ang paggamit nila at sa kaso ng mga benzodiazepine, ay maaaring magpalala sa mga kalalabasan.[11][12]
Sa Estados Unidos, mga 3.5% ng mga adult ay may PTSD sa nasabing taon, at 9% ng mga tao ay nagkakaroon nito sa anumang punto sa buhay nila.[1] Sa karamihan sa mundo, ang mga rate sa nasabing taon ay nasa pagitan ng 0.5% at 1%.[1] Maaaring mas mataas ang mga rate sa mga rehiyon na may armadong labanan[2] Mas karaniwan ito sa kababaihan kaysa sa kalalakihan.[3] Ang mga sintomas ng kaugnay ng trauma na mga sakit sa pag-iisip ay nadokumento mula sa huling panahon ng mga sinaunang Griyego.[13] Noong Mga pandaigdigang digmaan ang kundisyon ay kilala sa ilalim ng iba't ibang termino kabilang ang "shell shock" at "combat neurosis".[14] Ang terminong "posttraumatic stress na sakit" ay ginamit noong 1970s sa malaking bahagi ng diyagnosis ng mga U.S. na beteranong militar ng Digmaan sa Vietnam.[15] Opisyal itong kinilala ng American Psychiatric Association noong 1980 sa ikatlong edisyon ng Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders (DSM-III).[16]
Remove ads
Mga pananda
- May mga katanggap-tanggap na variant ng terminong ito; tingnan ang Terminolohiya na seksiyon sa artikulong ito.
Mga sanggunian
Mga panlabas na link
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads