Prabowo Subianto

Ikawalong pangulo ng Indonesia (mula 2024) From Wikipedia, the free encyclopedia

Prabowo Subianto
Remove ads

Si Prabowo Subianto Djojohadikusumo (Indonesian: Prabowo Subianto Joyohadikusumo; ipinanganak noong 17 Oktubre 1951) ay isang Indones na politiko, negosyante, at retiradong heneral ng hukbo na naging ikawalong pangulo ng Indonesia mula noong 20 Oktubre 2024. Dati siyang ika-26 na ministro ng depensa sa ilalim ni Pangulong Joko Widodo mula 2019 hanggang 2024. Si Prabowo ang ikatlong pangulo ng Indonesia na may karanasan sa militar pagkatapos nina Suharto at Susilo Bambang Yudhoyono (SBY). Siya ay inilarawan bilang isang nasa pampulitikong ideolohiyang kanan na nasyonalista.[1][2][3] Siya rin ang unang pormal na nakipaghiwalay sa kanyang asawa na naging pangulo, pati na rin ang pangulo na may kakaunting anak (isa).

Agarang impormasyon Kapanganakan, Mamamayan ...

Si Prabowo Subianto ay nagtapos mula sa Indonesian Military Academy (Akademi Militer Nasional) noong 1970 at pangunahing nagsilbi sa Espesyal na Sandatahan (Kopassus) hanggang sa siya ay hinirang na pamunuan ang Strategic Reserve Command (Kostrad) noong 1998. Sa parehong taon, siya ay pinalayas mula sa militar at pagkatapos ay pinagbawalan na pumasok sa Estados Unidos dahil sa diumano'y pang-aabuso sa karapatang pantao.[4][5][6][7][8]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads