Pamumuo ng supling bago iluwal
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang pamumuo ng supling bago iluwal (Ingles: prenatal development, pamumuo ng supling bago ito isilang bilang ganap na sanggol) ay ang progreso ng pamumuo ng bilig (embryo) o ng fetus (supling[1]) sa kapanahunan ng pagdadalangtao, mula pertilisasyon hanggang sa pagluluwal ng sanggol. Ito ang pinagaaralan sa larangan ng embriyolohiya.

- Tungkol ito sa pamumuo ng supling bago iluwal ng tao, para sa mga hayop tingnan ang pamumuo ng supling bago iluwal (hindi-tao).
Naguumpisa ang embriyohenesis[2][3] pagkatapos ng pertilisasyon. Sa tao, kapag nagwakas na ang embriyohenesis – sa bandang katapusan ng ika-10 linggo ng edad ng pagkabuntis – nalikha na ang mga pinag-ugatan (o mga prekursor[4][5]) ng lahat ng mga pangunahing organo ng katawan. Samakatuwid, kapwa nilalarawan ang mga susunod na panahon ng pamumuo – ang panahon ng fetus (supling[1][5]) - sa pamamagitan ng pagtalakay ng paksa, sa isang paraan; at sa isang banda naman, ang paglalarawan ng mahigpit na pagkakasunud-sunod ng mga nagaganap na pagbabago sa pamumuo ng supling. Sa huling paraan, itinatala ang mga mahahalagang kaganapan ayon sa mga linggo ng edad ng pagkabuntis.
Remove ads
Mga sanggunian
Mga talaugnayang panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads