Pulo ng Babuyan
pulo sa Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Pulo ng Babuyan (tinatawag minsan bilang Babuyan Claro) ay ang pinakamataas at pinakahilagang pulo sa Kapuluang Babuyan sa Kipot ng Luzon sa hilaga ng Pulo ng Luzon sa Pilipinas at diretsong timog din ng Taiwan sa pamamagitan ng Bambang ng Bashi tungo sa Kipot ng Luzon. Binubuo ng buong pulo ang barangay ng Babuyan Claro, na kabilang sa bayan ng Calayan sa lalawigan ng Cagayan. May populasyon ang mabulkan na pulo na 1,910 ayon sa senso ng 2020, na tumaas mula 1,423 noong 2010.[3]
Remove ads
Remove ads
Kasaysayan
Inuuri minsan ang wika ng Pulo ng Babuyan bilang diyalekto ng Ibatan. Tinanggal ang panirahan ng Babuyan ng mga Kastila at muli lamang nagkaroon ng populasyon noong katapusan ng ika-19 na dantaon na may mga pamilya mula sa Pulo ng Batan, na karamihan sa kanila ay tagapagsalita ng isa sa mga diyalekto ng Ibatan.[4]
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads