Kapuluang Cook
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Kapuluang Cook ay isang pangkat ng mga pulo na nasa silangang Pasipiko. Binubuo nila ang isang nagsasariling estado, subalit mayroong malakas na pakikipag-ugnayan sa Bagong Selanda. Ang 15 maliliit na mga pulo ay mayroong kabuuang kalatagan ng lupain na may sukat na 240 kilometro kuwadrado. Tinatayang 18,000 katao ang naninirahan sa mga pulo, na ang karamihan ay nagmula sa turismo. Ang pinakamalaking pulo na Rarotonga ay naglalaman ng Avarua, ang kabisera ng teritoryo.
Ang bansa ay mayroon din isang namumukod na wikang Polinesyo na nakikilala bilang Maori ng Kapuluang Cook, na malapit ang pagkakaugnay sa wikang Maori ng Bagong Selanda at sa wikang Tahitiano.[6]
Remove ads
Mga bayan
Avarua
Ang Avarua (nanganaghulugan bilang "Dalawang Daungan" sa Māori na Kapuluang Cook) ay isang bayan at distrito sa hilaga ng isla ng Rarotonga, at ang kabisera ng Kapuluang Cook.
Pinagsisilbihan ang bayan ng Pandaigdigang Paliparan ng Rarotonga (IATA Airport Code: RAR) at Daungan ng Avatiu.
Ang populasyon ng Distrito ng Avarua ay 4,906 (senso noong 2016).[7]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads