Qingdao
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Qingdao ([t͡ɕʰíŋtɑ̀ʊ̯]; na binabaybay rin bilang Tsingtao; Tsino: 青岛) ay isang pangunahing lungsod sa silangang bahagi ng lalawigan ng Shandong sa baybaying-dagat ng Dagat Dilaw sa silangang Tsina. Isa rin itong pangunahing sentrong lungsod ng Inisyatibong One Belt, One Road (OBOR) na nag-uugnay ng Asya sa Europa.[2] Sa lahat ng mga lungsod sa lalawigan ito ay may pinakamataas na GDP. Pinangangasiwaan ito sa antas na sub-probinsiyal,[3] mayroon itong kapangyarihan sa anim na mga distrito at apat na mga antas-kondado na lungsod. Magmula noong 2014[update] , mayroong 9,046,200 katao ang Qingdao, kasama ang populasyong urbano na 6,188,100.[4] Ito ay nasa Tangway ng Shandong at nakatanaw ito sa Dagat Dilaw. Hinahangganan ito ng Yantai sa hilagang-silangan, Weifang sa kanluran, at Rizhao sa timog-kanluran.
Isang pangunahing pantalang pandagat, baseng pandagat, at sentrong pang-industriya ang Qingdao. Ang pinakamahabang pandagat na tulay sa mundo, ang Tulay ng Look ng Jiaozhou, ay nag-uugnay ng pangunahing pook urbano ng Qingdao sa distrito ng Huangdao na nakasaklang sa mga pandagat na lugar ng Look ng Jiaozhou.[5] Kinaroroonan din ito ng Serbeseria ng Tsingtao, ang pangalawang pinakamalaking serbeseria sa Tsina.[6]
Noong 2018, nasa ika-31 puwesto ang Qingdao sa Global Financial Centres Index na inilathala ng Pangkat ng Z/Yen at ng Surian sa Pagpapaunlad ng Tsina, ang ibang mga Tsinong lungsod sa talaan ay Hong Kong, Shanghai, Beijing, Shenzhen, Guangzhou, Tianjin, Chengdu, Hangzhou at Dalian.[7] Noong 2007, pinangalanan ang Qingdao bilang isa sa sampung pangunahing mga lungsod ng Tsina ng Chinese Cities Brand Value Report, na inilabas noong 2007 Beijing Summit of China Cities Forum.[8] Noong 2009, pinangalanan ang Qingdao bilang pinakanatitirahang lungsod ng Chinese Institute of City Competitiveness.[9][10] Idinaos sa Qingdao noong 2018 ang isang pagpupulong ng mga pinuno ng Shanghai Cooperation Organization.[11]
Remove ads
Ibang mga pangalan
- Jiāo'ào: (胶澳): dating pangalan noong dinastiyang Qing.
- Qindao: (琴岛, literal na "Stringed Instrument Isle"): karagdagang makabagong pangalan para sa lugar, at tumutukoy ito sa hugis ng baybaying-dagat ayon sa mga naninirahan doon.
- Tsingtao: romanisasyong Postal
- Tsingtau: pangalang Aleman noong panahon ng kanilang konsesyon o paghawak ng lungsod (1898–1914), at nakasulat sa romanisasyong Aleman ng Tsino (Lessing-Othmer).
- Jiaozhou: isang makasaysayang pangalan na tumutukoy sa Look ng Jiaozhou.
- Kiaochow, Kiauchau, Kiautschou: mga romanisasyon ng Jiaozhou.
Remove ads
Mga sanggunian
Mga kawing panlabas
Mga karagdagang babasahin
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads