Quirinus

From Wikipedia, the free encyclopedia

Quirinus
Remove ads

Sa mitolohiyang Romano at relihiyong Sinaunang Romano, si Quirinus o Quirino ay isang maagang diyos ng estado ng Roma. Sa Romang Augustano, si Quirinus ay isa ring epithet ni Janus bilang Janus Quirinus.[2] Ang kanyang pangalan ay hinango sa salitang quiris na nangangahulugang sibat.

Thumb
Denario na nagpapakita kay Quirinus sa obverso at Cers na nakatrono sa kabaligtaran na isang pag-alala sa isang moneyer noong 56 BE ng isang Cerialia ibinigay ng isang mas maagang Gaius Memmius bilang aedile[1]

Si Quirinus pinakamalamang na orihinal na diyos ng digmaan ng mga Sabino. Ang mga Sabino ay tumira sa kalaunang lugar ng Roma at nagtayo ng mga dambana kay Quirinus sa Collis Quirinalis, sa Bundok Quirinal na isa sa pitong bundok ng Roma. Nang tumira ang mga Romano doon, kanilang kinuha ang kulto ni Quirinus sa kanilang maagang sistemang paniniwala na nakaraan sa direktang impluwensiyang Griyego. Sa wakas ng unang siglo BCE, si Quirinus ay itinuturing na naging Diyos na si Romulus.[3][4] Pagkatapos nito, si Quirinus ay naging isang mahalagang Diyos sa estadong Roma na isinama sa pinakasinaunang prekursor ng Kapitolinong Triad kasama nina Hupiter at Marte. [5] Sa mga kalaunang panahon, si Quirinus ay naging higit na kaunting mahalaga at nawala sa lugar ng kalaunang Kapitolinong Triad. Pinalitan nina Juno at Minerva ang kanyang lugar at ni Marte dito. Sa huli, si Qurinus ay halos eksklusibong sinamba ng kanyang flamen na Flamen Quirinalis na nanatiling isa sa mga patrisyong flamines maiores na "mas dakilang mga flamen" na nauna sa Pontifex Maximus sa pangunguna.[6]

Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads