Rabindranath Tagore

From Wikipedia, the free encyclopedia

Rabindranath Tagore
Remove ads

Si Rabindranath Tagore (Bengal: রবীন্দ্রনাথ ঠাকুর) (7 Mayo 1861 – 7 Agosto 1941) ay isang polimatong Bengali. Bilang isang makata, nobelista , musikero at manunulat ng mga dula, iniba niya ang musika at panitikan ng Bengal noong huli ng ika-19 na siglo at maagang ika-20 na siglo. Bilang ang may-akda ng Gitanjali at ang "malalim, sensitibo, sariwa at magandang mga tula" nito,[1] bilang ang kauna-unahang hindi Europeong nanalo sa 1913 Gantimpalang Nobel sa Panitikan,[2] si Rabindranath Tagore marahil ang pinakamahalagang tao sa panitikan ng Bengal at isang kinatawan ng kalinangang Indian na ang hikayat at pagkakakilala sa boung mundo na marahil na maihahambing lamang kay Mohandas Gandhi na pinalanganang 'Mahatma' ni Tagore na bunga sa kanyang paghanga kay Gandhi.

Agarang impormasyon Kapanganakan, Kamatayan ...

Isang Pirali Brahmin [3][4][5][6] mula sa Calcutta, sumulat ng mga tula si Tagore nang siya ay walong taong gulang.[7] Sa gulang ng labing anim, inilathala niya ang kanyang unang talatulaan sa ilalim ng pangalang Bhanushingho ("Leong Araw")[8][9] at sumulat ng kanyang mga unang maiikling kuwento at drama noong 1877. Hindi tinanggap ni Tagore ang raj ng Britanya at nakisali sa kalayaan ng India. Ang kanyang mga likha ay mahahanap sa tinatag niyang pamantasan, ang Pamantasan ng Visva-Bharati.

Pinabago ni Tagore ang sining Bengali sa paggamit ng mga pormang klasikal. Ang kanyang mga nobela, kuwento, kanta, sayaw-drama at sanaysay ay may kinalaman sa mga paksang pampolitika at pampersonal. Ang Gitanjali (Mga Alay na Kanta), Gora (Katamtaman ang Pagmumukha), at Ghare-Baire (Ang Tahanan at ang Mundo) ay ang kanyang mga pinakakilalang mga akda at ang kanyang mga berso, maiikling kuwento at nobela ay pinuri sa kanilang lyricismo, kolokyalismo, naturalismo at kontemplasyon. Si tagore ay marahil ang tanging literatura na gumawa ng mga pambansang awit ng dalawang bansa: ang Bangladesh at ang India: Amar Shonar Bangla at Jana Gana Mana.

Remove ads

Talaan ng mga akda

Karagdagang impormasyon Tula, Mga Drama ...
— Bengali —
— Ingles —
  • Sa mga Guho
1921[10]
— Mga Salin —
  • Chitra
1914[11]
  • Ginawang Pagkakaisa
1922[12]
* Gasuklay na Buwan

1913[13]

* Mga Alitaptap1928
  • Paghahanap ng mga Prutas
1916[14]
* Ang Takas

1921[15]

* Ang Hardinero

1913[16]

* Gitanjali: Mga Alay na Kanta 1912[17]
* Mga Silip sa Bengal

1991[18]

* Ang Tahanan at ang Mundo 1985[19]
* Ang mga Gutom na Bato at Ibang Kuwento1916[20]
* Hindi Kita Pakakawalan: Mga Piling Tula1991
* Ang Tagapagmahal ng Diyos2003
* Aking Panahong Bata1943
  • Aking mga Pagninilay
1991[21]
* Pagkamakabansa1991
  • Ang Tanggapang-Liham
1996[22]
* Sadhana: Ang Realisasyon ng Buhay1913[23]
* Mga Piling Liham1997
* Mga Piling Tula1994
* Mga Piling Maiikling Kuwento1991
  • Mga Kanta ng Kabir
1915[24]
* Mga Ligaw na Ibon1916[25]
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads