Ramesses II

Pangatlong paraon ng Ikalabinsiyam na Dinastiya ng Ehipto From Wikipedia, the free encyclopedia

Ramesses II
Remove ads

Si Rameses II (ipinanganak noong 1300 BK[5]) kilala rin bilang Rameses ang Dakila o Remeses na Dakila, binabaybay ding Ramses o Ramesses; Unicode: *Riʕmīsisu; nakikilala rin na Ozymandias sa mga sangguniang Griyego, mula sa transliterasyon patungong Griyego ng pangalang niyang pangtronong User-maat-re Setep-en-re[6], ay ang pangatlong Ehipsiyong paraon ng ika-19 dinastiya ng Ehipto. Kalimitan siyang itinuturing bilang pinakamagaling, pinakapinagdiriwang, at pinakamakapangyarihang paraon.[7] Tinawag siya ng kanyang mga kapalit at mga lumaong mga Ehipsiyo bilang "Dakilang Ninuno".

Agarang impormasyon Pharaoh, Paghahari ...
Remove ads

Aklat ng Exodo

Sa kasalukuyang panahon, si Ramesses II ang pinaniniwalaan ng ilan na Paraon ng Aklat ng Exodo na umalipin sa mga Israelita.[8] Gayunpaman, walang anumang mga ebidensiyang arkeolohikal na si Ramesses II ay nakitungo sa mga Israelita o sa anumang mga salot sa Ehipto gaya ng isinasaad sa bibliya. Ang mga arkeologo ay umaayon na walang anumang Exodo ng mga Israelita sa Ehipto na nangyari.[9] Ang takot ng Paraon(ayon bibliya) na ang mga Israelita ay makikipag-alyansa sa mga mananakop na dayuhan ay hindi malamang sa konteksto ng huling ikalawang milenyo nang ang Canaan ay bahagi ng imperyong Ehipsiyo at ang Ehipto ay hindi nahaharap sa mga kaaway sa direksiyong ito.[10] Ang mga anakronismo sa Aklat ng Exodo ay nagmumungkahi ng petsang pagkakasulat noong ca Ikaanim na siglo BCE[11] at ang mga karagdagang pagsasaayos at pagbabago ay nagpatuloy hanggang sa ca. Ikaapat na siglo BCE.[12]

Thumb
Mummy ni Ramesses II
Remove ads

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads