Red-tagging sa Pilipinas
mga alegasyon ng makartismo sa Filipinas From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang red-tagging sa Pilipinas, o pagtutukoy bilang pula (pula, nangangahulugang "Komunista" o/at "terorista") ay tumutukoy sa malisyosong pagba-blacklist ng mga indibidwal o organisasyong kritikal o hindi ganap na sumusuporta sa mga aksiyon ng nakaupong administrasyon ng gobyerno sa bansa. Ang mga indibidwal at organisasyong ito ay "itinalaga" bilang komunista o terorista o pareho, anuman ang kanilang aktwal na paniniwala o kinabibilangan sa politika.[1] Ito ay isang uri ng pag-uudyok at may masamang epekto sa mga target nito.[2] Ang red-tagging ay maaaring isagawa ng alinman sa mga pampublikong tagapaglingkod o utusan.
Ang red-tagging sa Pilipinas ay bakas ng Digmang Malamig at may mahabang kasaysayan bilang dating kolonya ng Estados Unidos,[3] at mga grupong may mga inaadhika kabilang ang mga Nagkakaisang Bansa,[4] Amnesty International,[5] at Human Rights Watch[6] na ang paggamit nito bilang isang taktikang pampulitika ay sumisira sa demokrasya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpigil sa hindi pagsang-ayon, na nagbubunga ng isang nakagigimbal na epekto sa pangkalahatang diskurso at, higit na tuso, naghihikayat ng mga pamamaslang at paghihiganti.[7]
Remove ads
Pagpapakahulugan
Karaniwang binibigyang-kahulugan bilang panliligalig o pag-uusig sa isang tao dahil sa "kilala o pinaghihinalaang mga simpatiyang komunismo,"[8] ang malawak na kasaysayan ng red-tagging sa Pilipinas ay humantong sa pagkilala sa ilang pormal na kahulugan mula sa gobyerno ng Pilipinas.
Ang Komisyon ng Karapatang Pantao ay sumusunod sa kahulugang inilatag ng International Peace Observers Network (IPON), na tumutukoy rito bilang:[9]
Isang gawain ng mga aktor ng Estado, partikular na ang mga ahensiyang nagpapatupad ng batas, upang i-brand sa publiko ang mga indibidwal, grupo, o institusyon bilang… kaakibat ng mga komunista o makakaliwang terorista.
Remove ads
Mga apektadong grupo

Kasama sa mga organisasyong madalas na napapailalim sa red-tagging sa Pilipinas ang mga grupo ng karapatang sibil,[10] institusyong panrelihiyon,[11][12] unyon ng manggagawang pangkalusugan,[13] akademya,[14][15] at ang mainstream at alternatibong media.[16] Ang mga grupo ng mga manggagawa at magsasaka[17][18] at mga tagapagtanggol ng lupa at kapaligiran[19] ay madalas ding nire-red-tag. Ang ilan sa mga organisasyon at institusyong ito ay binansagan bilang mga prente, tagasuporta o mga simpatisador lamang ng Bagong Hukbong Bayan.
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads