Reikiavik

From Wikipedia, the free encyclopedia

Reikiavikmap
Remove ads

Ang Reikiavik (Islandes at Inggles: Reykjavík) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Islandia. Ang kinalalagyan nitong 64°08' pa-hilaga ay ang dahilan kaya ito ang pinaka-hilagang kabisera ng isang soberanong bansa. Matatagpuan ito sa timog-kanlurang Islandia, sa baybaying timog ng Faxafloi Bay. Sa populasyong 120,000 (at humigit sa 200,000 sa kalakhang Reikiavik), ito ang sentro ng mga gawaing pang-ekonomiya at pampamahalaan ng Islandia.

Agarang impormasyon Reykjavik Reykjavík, Bansa ...
Thumb
Kabayanan ng Reikiavik na tanaw mula sa Hallgrímskirkja.

Ang Reikiavik ay pinaniniwalaan ng unang lugar na tinirahan na pangmatagalan sa Islandia, na sinasabing itinaguyod ni Ingólfur Arnarson noong bandang 870. Bago mag ika-18 siglo, walang mga estrukturang urbano sa kinatatayuan ng lungsod. Ang lungsod ay itinatag noong 1786 bilang opisyal na bayang pangkalakalan at unti-unting lumaki sa pagdaan ng mga dekada, at sa gayon ito ay naging sentrong panrehiyon, at sa kalaunan pambansa, ng mga gawaing pangnegosyo, pantao at pampamahalaan.[1]

Remove ads

Mga Kawing Panlabas

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads