Reynang Bubuyog
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang isang Reynang Bubuyog o queen bee sa ingles ay karaniwang isang ganap na babae (gyne) na nakipagtalik at mangitlog at naninirahan sa isang kolonya o pugad ng mga pukyutan. Dahil sa ganap nang nabuo ang kanyang mga reproduktibong organo, kadalasan siya ang ina ng karamihan, kung hindi man lahat, ng mga pukyutan sa pugad. Ang mga queen ay nabubuo mula sa mga larba na pinipili ng mga worker bee at espesyal na pinapakain upang maging ganap na handa sa reproduksyon. Karaniwan, iisa lamang ang ganap na nakipagtalik na queen sa isang pugad, at sa ganitong kaso, sinusundan at pinoprotektahan siya ng mga pukyutan nang matindi.[1] [2] [3]

Ang terminong Reynang bubuyog o "queen bee" ay maaari ring ilapat sa anumang dominanteng babaeng reproduktibo o maykakayahang mangitlog ng mangitlog sa isang kolonya ng eusocial bee species bukod sa mga honey bee. Halimbawa, sa Brazilian stingless bee (Schwarziana quadripunctata), ang isang pugad ay maaaring magkaroon ng maraming reyna o kahit mga maliit na reyna (dwarf queen), na handang pumalit sa dominanteng reyna sakaling bigla itong mamatay [4]
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads