Rico Yan

From Wikipedia, the free encyclopedia

Remove ads

Si Rico Yan (ipinanganak bilang Ricardo Carlos Castro Yan; Marso 14, 1975 – Marso 29, 2002) ay isang artista sa mula sa Pilipinas. Siya ay nagtapos sa Pamantasang De La Salle noong 1997 sa kursong Marketing Management.

Personal na buhay

Naging tagapasalita ng kabataan si Yan ng Kagawaran ng Edukasyon. Siya rin ang nagtayo ng organisasyong Pinoy 'Yan! na naglalayong panatiliing nag-aaral at nagpapahalaga sa edukasyon ang mga kabataan. Tumulong rin siya sa Pundayong "Are You A Forest King" kung saan bumibisita sila sa mga paaralan upang maipakita sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagtatanim ng mga puno.

Bilang isang negosyante, ang mga naipatayo niyang establisyamento ay ang restawran/bar na Tequila Joe's, Orbitz Pearl Shake, kapihang Timbuktu at isa pang restawran na Java Hut.

Naging nobya niya ang artista rin na si Claudine Barretto. Siya rin ang katambal ni Rico sa kanyang naging huling pelikulang Got 2 Believe.

Remove ads

Pagpanaw

Si Rico Yan ay pumanaw sa gulang na 27 dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis noong Marso 29, 2002, Biyernes Santo, sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan, habang nagbabakasyon kasama ang ilang kamag-anak at kaibigan.

Humigit kumulang 10,000 tao ang dumalo sa kanyang libing na ipinilabas sa ABS-CBN. Bahagi ng mga nalikom na pera sa kanyang pelikulang Got 2 Believe at ang lahat ng kinita ng dokumentaryong Forever Young: Remembering Rico kasama ang pelikulang Dahil Mahal Na Mahal Kita ay ibinigay sa Pundasyong Rico Yan.

Remove ads

Pilmograpiya

Pelikula

Karagdagang impormasyon Taon, Pamagat ...

Telebisyon

Karagdagang impormasyon Taon, Pamagat ...
Remove ads
Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads