Lungsod Ho Chi Minh
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Lungsod ng Ho Chi Minh (Biyetnames: Thành phố Hồ Chí Minh; ⓘ), na dating tinatawag na Saigon (Sài Gòn; ⓘ), ay ang pinakamalaking lungsod sa Biyetnam. Sa ilalim ng pangalang "Saigon", nagsilbi ito bilang kabisera ng kolonyang Pranses ng Cochinchina, at pagkatapos ng Timog Biyetnam mula 1955 hanggang 1975. Noong 30 Abril 1975, bumagsak ang Saigon sa huling bahagi ng Digmaang Biyetnam laban sa Hilagang Biyetnam, kung saan nagwagi ang mga Komunistang taga-hilagang nasa ilalim ni Ho Chi Minh, at ang kanilang puwersang pang-militar, ang Viet Cong. Noong 2 Hulyo 1976, ipinagsama ang Saigon sa karatig-lalawigan ng Gia Định, at pinangalanani ito kay Ho. Gayunpaman, karaniwan pa ring ginagamit ang lumang pangalan.[2]
May halos 9,000,000 katao ang kalakhan ng Lungsod ng Ho Chi Minh, na binubuo ng lungsod mismo at ang mga karatig-pook ng Thủ Dầu Một, Dĩ An, Biên Hòa at mga bayang nakapaligid.[nb 1] Ito ang kalakhang may pinakamalaking populasyon sa buong bansa.[3] Inaasahang lalaki ang populasyon ng lungsod sa 13.9 million pagsapit ng 2025.[4] Kung kasama ang mga lalawigan ng Tiền Giang at Long An, na inihayag sa ilalim ng bagong planong panrehiyon ng kalakhan, sakop ng kalakhan ang lupaing may lawak na halos 30,000 metro kkilouwadrado (12,000 sq mi), at may populasyon na halos 20 milyong katao pagsapit ng 2020.[5]
Ayon sa Mercer Human Resource Consulting, Economist Intelligence Unit at ECA International, pang-132 sa pinakamamahaling lungsod para sa mga manggagawang dayuhan ang Lungsod ng Ho Chi Minh.
Remove ads
Mga nota
- Đồng Nai Province's Populations: 2.254.676 (2006) Naka-arkibo 2007-11-25 sa Wayback Machine., Bà Rịa Vũng Tàu Province's Populations:862.081 (2002) Naka-arkibo 2007-10-29 sa Wayback Machine., Bình Dương province's Population: 1,2 million (2007) Naka-arkibo 2007-12-21 sa Wayback Machine., Ho Chi Minh City's population: 5,037,155 (1999) Naka-arkibo 2007-11-30 sa Wayback Machine.
Mga sanggunian
Mga kawing panlabas
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads